Kung Nakikita Mo Lang

Kay daming beses na naririnig sa 'yo
Na 'di mo makita ang angking kagandahan mo
Para sa 'kin, wala namang kulang sa 'yo
Sobra ka pa sa aking hiling ng puso ko

Hinding-hindi magsasawa na sabihin sa 'yo
At ipaalala kung gaano ka kaganda

Ipagsisigawan ko sa buong mundo
Ang taglay na kagandahan mo
Kung nakikita mo lang ang nakikita ko
Malalaman mo kung gaano ako kasuwerte sa 'yo

Huwag na huwag kang makikinig sa iba
Ikaw ang pinakamaganda sa aking mga mata
Hindi mo kailangan ng kolorete't palamuti sa mukha
Simpleng ngiti mo pa lang, puso ko'y nabighani mo na

Ipagsisigawan ko sa buong mundo
Ang taglay na kagandahan mo
Kung nakikita mo lang ang nakikita ko
Malalaman mo kung gaano ako kasuwerte sa 'yo

Kalma ka lang, maniwala ka sa 'kin
Madami mang babae sa mundo, mananatili sa kagandahan mo

Ipagsisigawan ko sa buong mundo
Ang taglay na kagandahan mo
Kung nakikita mo lang ang nakikita ko
Malalaman mo kung gaano ako kasuwerte
Kasuwerte sa 'yo, oh-oh-oh-oh-oh-oh



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link