Di Na Bago

Di ako pwedeng magreklamo
Lalo kung alam ko namang walang tayo
Wala akong papel
Bawal din na magtampo
Wala namang susuyo sa'kin
Ano bang pake mo?
Selos ay pinipigilan
Di naman siguro
Bawal na ako'y masaktan
Bawal ka lang pagbawalan
Bawal din na sundan
Bawal kang paghigpitan
Bawal din na pigilan
Ang dami lang na di pwedeng mangyari
Parang ako't ikaw
Pero ang tayo'y imposible
Depende na lang kung magbago pa ang damdamin mo
Umaasa parin ako na bilog ang mundo

Lagi na lang ba tayong ganto
Porke't alam mong ikaw ang gusto
Nababalewala mo na kapag iba ang kasama
Mas madalas paghintayin kesa magpakita
Hindi na bago kasi walang tayo
Di ko pwede na sabihing dito ka lang at magreklamo

Di ko pwede na sabihin
Sana tayo na lang kahit na aminin
Nating gustong gusto kita
Tinatago ko lang ang lahat ng nadarama
Dito ay palipad hangin na lamang ako sa'yo
Walang ikaw at ako
Bakit nga ba ganito ano sabihin mo
Kung may pag-asa pa ba
Sana ay 'yong madama na kailangan kita
Handa akong maghintay kahit matagal
Nandito lang ako para sa iyo
Umaasa na sana ay matamo

Lagi na lang ba tayong ganto
Porke't alam mong ikaw ang gusto
Nababalewala mo na kapag iba ang kasama
Mas madalas paghintayin kesa magpakita
Hindi na bago kasi walang tayo
Di ko pwede na sabihing dito ka lang at magreklamo

Umiiral na naman ang pagkaseloso
Ang tanga tanga mo naman kase yosso
Nagmahal ka naman kase ng todo
Sa alam mong di naman sa'yo magseseryoso
Di ko naman masasabi na ako'y niloko
Kasi kahit kailan di naman naging sa'yo 'ko
Malabo naman kase na mahalin mo 'ko
Mas malaki pa pag-asang tumama sa lotto
O diba? Kahit mahalin kita
Bawat tingin ko sa iyo'y nakatingin ka sa iba
Kaya wag mong ikaila lahat ng yon sa kabila
Non ay iba ang 'yong gusto kaya lalo 'kong nahiya
Langhiya, sawa nang mapahiya pa
Sa iba sumasama kapag ika'y niyaya
Durog na aking puso laging kinakawawa
Pero paghindi ikaw handa 'kong tumandang binata

Lagi na lang ba tayong ganto
Porke't alam mong ikaw ang gusto
Nababalewala mo na kapag iba ang kasama
Mas madalas paghintayin kesa magpakita
Hindi na bago kasi walang tayo
Di ko pwede na sabihing dito ka lang at magreklamo

Palagi na lang naka abang
Pinipilit ko na lang sarili ay malibang
Napupuyat na kase ako sa kakahintay
Baka naman gusto mo sa'kin na magreply
Kanina pa 'ko dito sa inyo
Pero nakasarado ang pinto
Anong oras ang uwi mo
Hindi ko naman maitanong at natatakot na sabihin mo
Ba't ang kulit mo ano ba tayo
Bakit pa kase 'ko nagpasiguro
Sa isang taong hindi rin naman sakin sigurado
Nasasanay na lang
At ayos lang kung di mo magawang makita
Basta ako'y laging nandito lang

Lagi na lang ba tayong ganto
Porke't alam mong ikaw ang gusto
Nababalewala mo na kapag iba ang kasama
Mas madalas paghintayin kesa magpakita
Hindi na bago kasi walang tayo
Di ko pwede na sabihing dito ka lang at magreklamo

Lagi na lang ba tayong ganto
Porke't alam mong ikaw ang gusto
Nababalewala mo na kapag iba ang kasama
Mas madalas paghintayin kesa magpakita
Hindi na bago kasi walang tayo
Di ko pwede na sabihing dito ka lang at magreklamo



Credits
Writer(s): 420 Soldierz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link