Paliwanag

Punong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay sila

Bakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan
Para sa 'yong mga mahal sa buhay?
Walang ganang umangal kasi gano'n talaga
Ang paliwanag sa 'min

No'ng unang panahon
Nagpaabuso na tayo sa Kastila
Nilapastangan ng mga Hapon
Ating kababaihan ay inalila

Bakit 'di pa tayo natuto do'n?
Lumipat lang sa mga mukhang manika
Mga dura nila, nilululon
Habang sumisigaw ng pagkadakila

Kailan kaya kita makikita
Na kay saya at tunay na malaya? Ha
'Di ko gusto na iwan ka lang dito, pero

Punong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay sila

Bakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan
Para sa 'yong mga mahal sa buhay?
Walang ganang umangal kasi gano'n talaga
Ang paliwanag sa 'min

Kay dami nang mga santong nangako
Pero kabaong lang ang s'yang kinahantungan
Nailibing nang lumaon, lalo na't may mga taong
Parang manok kung manabong
Sadyang makukulit, uulit-ulitin
Maitapon lang ang tama

Awa, nakakasawa
Para kang naiwan nang mag-isa sa lawa
Hawak ang lamang, habang tawa nang tawa
Talo ka habang sila'y dama nang dama

'Di na ba tayo matututo?
Ilan pa ba ang dapat na ipakong Kristo
Ng mga tagabantay na kunwari'y listo
Harapan ang tanggi, harap-harapang bisto

Is-is ka nang is-is, nipis nang panipis
Inis kakatiis sa ulam na panis
Bilis, tama na, please, mintis ka nang mintis
Bigkis sa 'king paa't kama'y 'di ko maalis

Sabihin mo, darating ba
Ang araw na 'di ka takot iwanan ang mga mahal mo
Sa bahay na hindi sila mababasa
Tuwing malakas ang bagyo?

Darating ba
Ang araw na 'di kailangang itago ang mga yapak mo?
Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo
'Pag tinatanong ang karapatan mo

Punong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay sila

Bakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan
Para sa 'yong mga mahal sa buhay?
Walang ganang umangal kasi gano'n talaga

Sabihin mo, darating ba
Ang araw na 'di ka takot iwanan ang mga mahal mo
Sa bahay na hindi sila mababasa
Tuwing malakas ang bagyo?

Darating ba
Ang araw na 'di kailangang itago ang mga yapak mo?
Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo
'Pag tinatanong ang karapatan mo

Punong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay sila

Bakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan
Para sa 'yong mga mahal sa buhay?
Walang ganang umangal kasi gano'n talaga
Ang paliwanag sa 'min



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link