Cypher

Nakapag-labas ng EP, album na kasunod
Napagdaana'y hindi easy, pero nakalusot
Pasensya man kung naging busy, pangarap inabot
4023 ang TP, eto ang susunod
Malugod niyong pakinggan kung paano kakatayin
Tapos na ang SILANG kaya't hindi ka bubuhayin
Wawasakin ang hangarin, ano man ang ihahain
Ay aking kakalabanin sa pagiging malikhain
Bihasa rin, para sakin, kung malalim sisipatin
Huhukayin, kukuhain, ang nanghamak gugulatin
Hihingalin, malayo man ang lalakarin, tatahakin
Bubuhatin, mabigat man ang pasanin, kakayanin
Kukuhain tagumpay ng taong ito'y mapapasakin
Usisain, ang beat kung susukatin, kukulangin
Sa susulatin, kung matamaan man ay patawarin
Patibayin, baguhan wag hihilain, hikayatin
Babala rin, labing pito palang pinapakain
Kung susumahin, metapora ang ipinapain
Isasalin sa babasahin, sulat ay patalasin
Pahusayin, 2xClick balang araw kikilalanin
Panimula palang ang aking ipinapakita
Subalit ay napansin ko agad napabilib ka
Sa bawat tira, siksik ang linya, ubos ang tinta
Sige hali ka, ratratan na to, pare makinig ka
Pahinga muna pagiging kalmado
Matagal na panahong naisarado
Ang angking galing sa larangan ng pagiging talentado
Kaya matik to panigurado
Mangha pag narinig mo kung gaano
Kabilis pumitik ang dila ko
Malalaman mo agad na asintado
Patunay na mga multis ay pulido
Walang sinusulat na hindi solido
Matagal na kong desidido
Walang makakapigil kahit pa na sino
Mananatiling agresibo
Mataas man ang pangarap aabutin ko
Bokabularyo hindi limitado
Mala KUMA pero bitbit diksiyonaryo
Pag narinig mo to maninibago
Sa ganitong banatan panis ka kamo
Kung pabilisan may ibubuga to,
Mas mabigat pa sa pito na sako
Kala mo diko kayang sabayan to
Walang hangganan ang kakayahan ko
Sariling limitasyon hihigitan ko
Ang nagawa ko ay lalagpasan ko
Ang palabas ay hindi pa nagwawakas
Marami pang naka-imbak na hindi pa nalalabas
Ang antas ng musika ay pilit ko pang itataas
Hanggang maihanay ang pangalan sa pinaka-malakas
Sa teknikalang pag sukat ay hindi to lumalagpas
Masinsinang paglikha hindi ko to pinapaspas
Pag release ng gantong tema ay hindi dinadalas
Bihira, katumbas ng black opal ang aking kalatas
Mapayapang pagupo sa mataas na talampas
Sariwang himas ng hangin at ilog na nalagaslas
Madadama mo ang bakas at ang bawat kinakatas
Sa Idolohiya'y likas ang gubat na mapangahas
Minsan sa reyalidad ang sarili ay tinatakas
Upang makalaya sa mga problemang dinadanas
Subalit nasaakin ang panulat nang maipamalas
Na hinding hindi kukupas ang kaisipang matalas
(Haha!)
Ang ikli nakakabitin
Pero sakto rin sa tulad ko na mainipin
(Ugh!)
Malaliman niyong sisirin
Hanggang ang mensahe sa utak ninyo ay mag sink in.



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link