Samin

BJ Prowel on the beat
Mula nu'ng una haggang dulo at sa kalagitnaan
Nang gera at digmaan na 'to'y magkabilaan ko na
Palaging tangan sa kaliwa't sa kanan
Ng mga pinanghahawakan ko na 'di mabitawan
At nagpatuloy sa pagsulat paglikha't paggawa n'ya
Nang melodiya't ritmo ng rima't mga bara
Sumikat, makilala, tinig maisa-plaka
Kahit na para bang hindi gano'n katingkad ang pag-asa

Sa tulad ko na tulad din ng ilang hikahos
Lumaking wasak ang pamilya, 'di pa nakapagtapos
Kulang sa kaalaman, sa salapi din ay kapos
Anumang mero'n at wala'y aking ng pinagpasa-Diyos
Sa likod ng mga sala ko't gawain na haram
Pagbigyan man o hindi ang mga dalangin kong asam
Dumiretso, lumiko, mapraning o tumino
Magtagumpay o mabigo, langit lang ang may alam

Kahit marami mang putik sa 'king talampakan
Alam kong babakas pa rin ang mga yapak ko sa 'king bawat daraanan

Malubak o madulas, may handa akong tumulay
Hanggang sa dulo ay 'di mapapahumpay
Ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay
At maiuwi ko sa 'min ang tagumpay

Sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa 'min ang tagumpay
(Ah)

Sinubukang maglakad-lakad ng mabawasan ang inip
Naging 'sang batang palaboy na kung sa'n-sa'n tumitira
Sa ilalim ng tulay sa Delpan, Pedicab o jeep

Sa sikip ng mundo sa plastic labo na lang huminga
Sa mura ko na gulang, natuto magkagulang
Nagkapangil, nagkasungay, buntot na lang ang kulang
Sa mundo na madupang, walang kapatawaran
Man ang maging kabayaran ng buhay ko na utang

Nang biglang sumindi, bumbilya n'yang punde
May boses na bumulong
Ang sabi "Di pa 'yan huli"
Ika'y 'di lang kabuti, kun'di lotus na halamang
Kayang mamukadkad, kahit sa tubig na marumi

Habang nakaharap sa salamin ng mag-isa
Inaral, kalasan ang maling sistemang nakabisa
Tila nagsikap pa din na 'wag mahambing sa kanila
Kahit sa 'min ay mahirap ang maging kakaiba

Dahil kahit marami mang putik sa 'king talampakan
Alam kong babakas pa rin ang mga yapak ko sa 'king bawat daraanan
Malubak o madulas, ma'y handa kong tumulay
Hanggang sa dulo ay 'di mapapahumpay
Ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay
At maiuwi ko sa 'min ang tagumpay

Sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa 'min ang tagumpay
Ah

Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
Pusong do-do-do or die

Ako'y parang estudyanteng hara-haragan
Nangarap magsumakumlaude sa kalakaran
Ng mga turo at diskarte para-paraan
Karanasan ang guro't kalye ang paaralan
Sinumpa't pinangako kahit na malabo
'Yung nando'n sa malayo'y mararating ko din
Liwanag may maglaho at araw ay magtagos
Mas kikinang pa lalo na parang bituin

Kahit ga'no man kadilim ang buhay
Na para kang unti-unting nalilibang sa hukay
Magniningning sa kulay, pagkatapos makabangon
Ang natapos na kahapon ang magsisilbing patunay

Taya'y pati pato kahit ano man
Ang pwede't posibleng maging hantungan
Naisangag ko na ang kaning bahaw
Bago pa mapanis sa 'king baunan
Mga nag-abon nu'ng ako ay taglugi
Kasama ko 'pag nagbunyi, pasasalamat ang sukli
No'ng ako'y 'di pa tuli, wala pang ngipin at bungi

Mga nanghamak ay parang makahiyang napatupi
Naglakbay bunga ng pag-ibig, galit o muhi
Kasama ang pangakong kahit sa pula man o puti
O kahit sa'n makarating, 'pag nagtagpo tayong muli

Sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)
Ah
Sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)
Ah
Sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)



Credits
Writer(s): Bryan Lao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link