Walang Duda, Mahal Kita

Halika na, mahal, salubungin ang umaga
Sumisikat na ang araw, may liwanag na dala
Ramdam ang init, winawak'san ang dilim
May pag-asa nang natatanaw, sabay nating yakapin

Gisingin ang natutulog pang lakas
Sabay-sabay umibig nang puso ay bukas
Gawin nating kulay rosas ang bukas
Para sa bayan nating Pilipinas

Punuin natin ng pag-ibig ang daigdig
Para mabuti ang manaig, tayo ay tumindig
Dahil ang nagmamahal, ipinaglalaban ang minamahal
Kaya't sana'y madama na walang duda, mahal kita
U-woah-oh-oh, u-woah-oh-oh-oh-oh
U-woah-oh-oh-oh-oh
Oh-u-woah-u-woah-oh

Maglilingkod sa kapwa, kakalingain ang aba
Makikinig sa tinig ng api, ipaglalaban ang tama
Kapit-bisig, pinagbigkis ng pangarap
Ng isang bayang bayanihan ang lakas

Gisingin ang natutulog pang lakas
(Gisingin mo)
Sabay-sabay umibig nang puso ay bukas
Gawin nating kulay rosas ang bukas
Para sa bayan nating Pilipinas

Punuin natin ng pag-ibig ang daigdig
Para mabuti ang manaig, tayo ay tumindig
Dahil ang nagmamahal, ipinaglalaban ang minamahal
Kaya't sana'y madama na walang duda, mahal kita
U-woah-oh-oh, u-woah-oh-oh-oh-oh
U-woah-oh-oh-oh-oh
Oh-u-woah-u-woah-oh

Hangad lang ang kabutihan ng Pilipino
Kaya pananalig sa taumbayan ay buo
Tataya, tataya sa mga pusong tapat
Aangat, aangat buhay nating lahat

Punuin natin ng pag-ibig ang daigdig
Para mabuti ang manaig, tayo ay tumindig
Dahil ang nagmamahal, ipinaglalaban ang minamahal
Kaya't sana'y madama na walang duda

Punuin natin ng pag-ibig ang daigdig
Para mabuti ang manaig, tayo ay tumindig
Dahil ang nagmamahal, ipinaglalaban ang minamahal
Kaya't sana'y madama na walang duda
Mahal kita
U-woah-oh-oh, u-woah-oh-oh-oh-oh
U-woah-oh-oh-oh-oh
Oh-u-woah-u-woah-oh

Kaya't sana'y madama na walang duda
Mahal kita



Credits
Writer(s): Luis Gabriel Enriquez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link