Sa Ngayon

Patutulugin muna

Lumipas na mga sandali
Tayong dalawa'y magkapaling
Iniisip ko na lang
Kailangang magpahinga

Bandang huli, babawi rin
Dadalhin

Patutulugin muna ang puso
Ipapahinga muna ang bugso
Ng pagtingin at pag-ibig sayo
Pipiliin ko ang sarili ko
Sa ngayon

Nag-iisip ng gagawin
Malihis lang, unti-unti
Magiging masaya
Para sating dalawa

San man mapunta
Mabubuo pa rin

Patutulugin muna ang puso
Ipapahinga muna ang bugso
Ng pagtingin at pag-ibig sayo
Pipiliin ko ang sarili ko

Sa ngayon
Ako na lang muna
Pagtutuunan ng pansin ang sarili
Bibigyan ng oras ang lahat
Hihinga ng malalim

Patutulugin muna ang puso
Ipapahinga muna ang bugso

Pababayaan muna ang mundo
Bitawan muna ang merong tayo
Dun muna sa kailangan ko
Palalayain ko ang sarili ko
Sa ngayon
Sa ngayon
Sa ngayon.



Credits
Writer(s): Shara Ferma
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link