Umaga

Huwag kang bibitaw, huwag kang aayaw
Hayaan mo, lilipas din ang gabing ito
Huwag mawawala, ngiti sa 'yong mukha
Matatapos din itong panahong kay gulo

Huwag mong iisipin
Lagi na lang ganito, magulo
Lahat ay gagawin ko
Para sa 'yo, sa huli ay tayo

Darating din ang umaga
Umagang puno ng pag-asa
Hinding-hindi ka na mag-iisa
Huwag aalis sa 'king piling
Umaga ay tiyak na darating

Huwag kang lalayo, 'wag susuko
Hayaan mo, mawawala mga gumugulo
Hayaang mawala, luha sa 'yong mukha
Matatapos din itong panahong kay gulo

Huwag mong iisipin
Lagi na lang ganito, magulo
Lahat ay gagawin ko
Para sa 'yo, sa huli ay tayo

Darating din ang umaga
Umagang puno ng pag-asa
Hinding-hindi ka na mag-iisa
Huwag aalis sa 'king piling
Umaga ay tiyak na darating

Umaga
Umaga

Umaga
Umaga

Huwag mong iisipin
Lagi na lang ganito, magulo
Lahat ay gagawin ko
Para sa 'yo, sa huli ay tayo

Huwag mong iisipin
Lagi na lang ganito, magulo
Lahat ay gagawin ko
Para sa 'yo, sa huli ay tayo, whoa-whoa

Darating din ang umaga
Umagang puno ng pag-asa
Hinding-hindi ka na mag-iisa
Huwag aalis sa 'king piling
Umaga ay tiyak...

Huwag aalis sa 'king piling
Umaga ay tiyak...
Huwag aalis sa 'king piling
Umaga ay tiyak na darating



Credits
Writer(s): Jacob Clemente
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link