Liham

Laging nagiisip kung bakit kita nasaktan
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman
Bawat minutong iniisip
Ano nga bang dahilan
At hindi umabot sa walang hanggan

Hindi ako makatulog tuwing maiisip ka na nasasaktan at nagiisa
Dahil sa aking nagawa araw-araw kang lumuluha sinta

Kung maibabalik ko ang kahapon na tayo'y magkasama
Upang mapawi ang sakit na iyong nadarama

Sana'y mapagbigyan muli at ako'y babalik pa rin
Natapos lang sa isang saglit
Ang ating pag-ibig ang ating pag-ibig

Malimit na akong tulala
At nangungulila sayo
Mga yakap at halik mo
Ay mananatili sa puso ko

Kung maibabalik ko ang kahapon na tayo'y magkasama
Upang mapawi ang sakit na iyong nadarama

Sana'y mapagbigyan muli at ako'y babalik pa rin
Natapos lang sa isang saglit
Ang ating pag-ibig ang ating pag-ibig

Kung sana'y iyong naririnig ang pagsamo ko
Sana'y ako'y iyong patawarin, patawarin

Sana'y mapagbigyan muli at ako'y babalik pa rin
Natapos lang sa isang saglit
Ang ating pag-ibig ang ating pag-ibig

Sana'y mapagbigyan muli at ako'y babalik pa rin
Natapos lang sa isang saglit
Ang ating pag-ibig ang ating pag-ibig



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link