Liwanag

Naliligaw, nalilito
Hindi malaman ang pupuntahan
Ang daming gustong subukan
Ngunit ang loob ay pinanghihinaan

Sabi mo, "Dahan-dahan lang at 'wag magmadali"
Oh, 'wag matakot na magkamali

Hinahanap ang liwanag ng buwan
'Di ka lumisan, lagi ka lang nand'yan
Hinawakan mo at 'di binitawan
'Di ka nagbabago hanggang sa dulo

Oh, kay bigat ng nararamdaman
Mga tanong na nasa isipan
Hindi malaman kung ano ang dahilan
Makikita pa ba ang kasagutan?

Sabi mo, "Dahan-dahan lang at 'wag magmadali"
Oh, minahal mo kahit na nagkamali

Hinahanap ang liwanag ng buwan
'Di ka lumisan, lagi ka lang nand'yan
Hinawakan mo at 'di binitawan
'Di ka nagbabago hanggang sa dulo

Hinahanap ang liwanag ng buwan
'Di ka lumisan, lagi ka lang nand'yan
Hinawakan mo at 'di binitawan
'Di ka nagbabago hanggang sa dulo



Credits
Writer(s): Japs Mendoza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link