Tula Ng Buhay

Minsan sa buhay ay ika'y magka-mali
Sa mga kalukohan na dapat hindi gawin
Ika'y malilito at gulong-gulo
Sa isip mo kung saan ka patutungo

Okay ka lang ba?
Huwag kang bibitaw
Talagang ganyan ang buhay
Minsa'y sumasablay
Okay lang yun pare ko
Ayusin nalang natin
Ang bagyong dumaan sa buhay mo

Huwag mong isipin ang sinasabi nila
Bumangon ka at mag simula
Ulit-ulitin hanggang ma perpekto
Huwag ng pasukin ang mga bagay na sakit ng ulo
Huwag mo'ng sayangin ang iyong mundo
Mas marami kapang magagawa dito

Okay ka lang ba?
Huwag kang bibitaw
Talagang ganyan ang buhay
Minsa'y sumasablay
Okay lang yun pare ko
Ayusin nalang natin
Ang bagyong dumaan sa buhay mo



Credits
Writer(s): Rollin Ii Bantiles
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link