Bulaga - Radio Edit

Bulaga, uh huh
Bulaga, uh huh
Bulaga, uh huh
Bulaga, uh huh

Sa umpisa pa lang siguradong magugulat
Sa mga bibitawan na parang isang ulat
Tayo'y magsama sama na magkakabalikat
Sabay sabay tayo at magkaisa ang lahat
Ihiwalay na ang hinde at kung sinong sasapi
Na makikinig sa aten sa mga sinasabe
Kung wala ka namang alam ay itikom ang labi
Pero di ka pipigilan kung ikaw ay sasali
Dito sating plano na malaking pag atake
Basta lahat ng kabilang tunay na lalake
Kung iniisip mong pigilan hoy wala kameng pake
Tingnan naten kung anong ang pinagmamalake
Kung ika'y may katanungan yan ay nasusulat
Pag nalaman ang sagot ikay mamumulat
Ang lahat ng misteryo ay ilalahad na at
Tapusin ang sinimulan harangan man ng sibat

Bulaga, asan ka na
Bulaga, andito na
Bulaga, lagot ka na kame malapit na
Bulaga, asan ka na
Bulaga, andito na
Bulaga, lagot ka na kami malapit na

Palapit ng palapit MC na malupet
Parang may latigo na ipapalo sayong pwet
Ika'y nagtataka aba naman baket
Di mo pa rin alam na ikaw ay saling ket ket
Mga dagang naipet
Sing baho ng trip mo yoko lumapet
TBB may pinapasabe, yo hindi ako pipe
Una kong kanta, wag kayong mabibigla
Kung kame ay bastos ikaw naman ay tanga
Pinagsasabi ko, di naman masama
Basta marunong kang sumabay sa tama
Hoy mama, at ikaw taba, wag na wag ka dumikit sa palaka
Madungis, mabaho at kadiri, singit ka ng singit ano ka ba daliri

Bulaga, asan ka na
Bulaga, andito na
Bulaga, lagot ka na kame malapit na
Bulaga, asan ka na
Bulaga, andito na
Bulaga, lagot ka na kami malapit na

Bulaga huli ka ikaw ay kawawa
Di kame matitigil sa kakatawa
Patay ka, at lagot ka, umuwi ka na, wag ka nang pagala gala
Magisip ka, gamitin ang sentido
Di ako natututwa wag kang paloko loko
Wag ka magsalita, wala nang pero pero
Sabog ang mukha mo parang si Don Romantiko
Ako ang mamumuno kahit merong pari
Di ako maniniwala sa inyong papuri
Di ko na maiintay na ikaw ay umuwe
konting lapit pa baka ikaw ay tumupe
Ayaw ko ng pabulol bulol
Wag ka na pakahirap na magpahabol
Sabihin mo ang iyong huling hiling
Tapos ka na Boy! Wag kang iiling iling

Bulaga, asan ka na
Bulaga, andito na
Bulaga, lagot ka na kame malapit na
Bulaga, asan ka na
Bulaga, andito na
Bulaga, lagot ka na kami malapit na
Bulaga, magtago ka
Bulaga, kahit san pa
Bulaga, lagot ka pag nakita patay ka
Bulaga, magtago ka
Bulaga, kahit san pa
Bulaga, lagot ka pag nakita tapos na



Credits
Writer(s): Norbert Malumay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link