Ikaw at ako

Daming kasalanan, lahat pinag sisihan
'Di kayang kalimutan ang nararamdaman
Minsang nag ka sigawan, hanggang magkasakitan
'Bat pinag pipilitang ikaw ay hagkan

Alam kong 'di na rin maibabalik
Ang kahapon na nakakasabik
Mga mali ay gustong maituwid
At ikaw ay makasama ulit

Pag gising sa umaga
Muka mo nakikita
Laging nangungulila sa iyo sinta
Ikaw ang hinahanap
Lambing mo at yakap
Wala na sa litrato ng hinaharap

Alam ko at alam mong
Malabo na yung tayo
Wala na yung ikaw at ako
Pero hanggang dulo
Hindi ako susuko
Isasagad ko hanggang buto
Isasagad sa dulo, sa dulo ng sintido
Hanggang makalimot ako

Alam kong 'di na rin maibabalik
Ang kahapon na nakakasabik
Mga mali ay gustong maituwid
At ikaw ay makasama ulit

Mga mali ay gustong maituwid
At ikaw ay makasama ulit



Credits
Writer(s): Royal David Dahlen
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link