DPM

Dito pala magpapaalam
Kanina ko pa nadarama
Kumakaway sa 'kin ang hangganan
Nagpaparamdam na nandiyan na

At parang 'di na mababalik ang nakaraan
Parang 'di tayo uuwing may tampuhan lang

Dito pala magpapaalam
Parang alam mo na naman
Ayoko na ring muling pigilan
Palagi namang may nasasaktan

At parang 'di na mababalik ang nakaraan
Parang 'di tayo uuwing may tampuhan lang
Parang 'di na kita uli mahahagkan
Sana 'di pagkakamaling hanggang dito na lang

Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh

At parang 'di na mababalik ang nakaraan
Parang 'di tayo uuwing may tampuhan lang
Para 'di na kita uli masasaktan
Sa huli ay mas pipiliing lumisan na lang

Dito pala magpapaalam
Dito piniling magmahal



Credits
Writer(s): Jeriko Buenafe
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link