Ikaw Lang, Sa Habang Buhay

Kahit 'di tinanggap ng puso mo
Ang alay kong pag-ibig
Kahit 'di pinansin ang pagmamahal
At ayaw mo sa akin

Tatanggapin ko na lang
Kahit nasaktan ang damdamin ko
Sana'y malaman mo

Kahit pa maghintay ako ng habang-buhay
Kung kailangan, gagawin ko
At hindi darating ang araw na ito'y magbabago
Ang pag-ibig ko para sa 'yo
Ikaw lang sa habang-buhay

Kahit 'di natupad ang pangarap ko
Ako'y umaasa lagi
Kahit 'di pinansin ang pagmamahal
'Di ako nagsisisi

Tatanggpin ko na lang
Kahit nasaktan ang damdamin ko
Sana'y malaman mo

Kahit pa maghintay ako ng habang-buhay
Kung kailangan, gagawin ko
At hindi darating ang araw na ito'y magbabago
Ang pag-ibig ko para sa 'yo
Ikaw lang sa habang-buhay

Ikaw lamang ang kailangan
At wala nang iba sa aking puso

Kahit pa maghintay ako ng habang-buhay
Kung kailangan, gagawin ko
At hindi darating ang araw na ito'y magbabago

Ang pag-ibig ko para sa 'yo
Ikaw lang sa habang-buhay
Ikaw lang sa habang-buhay



Credits
Writer(s): Jimmy Benedicto Borja
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link