Obra

Dating walang kulay ang bawat umaga
Ngunit nariyan ka na, wala nang pangamba
Sabi na nga ba, ikaw lang ang kulang
Sa buhay kong ito, buo na ang mundo

Natuto na ang pusong magpinta
Ang pag-ibig mo ang obra
Sining ng buhay ko'y nakapalibot sa 'yo
May saysay na, bawat kulay at pinta

Sa 'yo ko lang nakuha
Pagmasdan mo ang saya
Nakaukit ang 'yong lagdang
Kay ganda

Dating walang husay
Ang aking mga kamay
Binigyan mo ng lakas
Pag-ibig na wagas

Natuto na ang pusong magpinta
Ang pag-ibig mo ang obra
Sining ng buhay ko'y nakapalibot sa 'yo
May saysay na, bawat kulay at pinta

Sa 'yo ko lang nakuha
Pagmasdan mo ang saya
Nakaukit ang 'yong lagdang
Kay ganda, oh-oh-oh-oh-oh

Kay lambing ng iyong gabay
Sa bawat kumpas ng kamay
Tila parang awit, ang bawat habi
Sumasabay ang langit

Natuto na ang pusong magpinta
Ang pag-ibig mo ang obra
Sining ng buhay ko'y nakapalibot sa 'yo
May saysay na, bawat kulay at pinta

Sa 'yo ko lang nakuha
Pagmasdan mo ang saya
Nakaukit ang 'yong lagdang
Kay ganda

Hmm, hmm, hmm, hmm, hmm



Credits
Writer(s): Keiko Necesario, Villanueva Iii Jose
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link