Habang Atin Ang Gabi

Sumapit man ang dilim
Hindi mangangamba
Magkakanlong sa dilim
Hindi nag-iisa
Dahil kapiling ka

Lumalim man ang gabi
Hindi mahihimbing
Aabangan ang buwan habang binibilang
Ang mga bituin

Ang luha at dahas ng nagdaang umaga
Sa lambong ng gabi, tila naglaho na
May luha at dahas sa darating na bukas
Ngunit habang gabi, walang mababakas, whoa

Yakapin mo ako habang atin ang gabi
Habang atin ang mundo

Oh, ooh
Ooh, oh, oh

Paglipas ng magdamag
Hindi malulumbay
Dahil buong magdamag
Tayong dal'wa, sinta, nangarap nang sabay

Ang luha at dahas ng nagdaang umaga
Sa lambong ng gabi, tila naglaho na
May luha at dahas sa darating na bukas
Ngunit habang gabi, walang mababakas

Yakapin mo ako habang atin ang gabi

Yakapin mo ako habang atin ang mundo, oh

Yakapin mo ako habang atin ang gabi
Habang atin ang mundo



Credits
Writer(s): Jay Durias, Armando Lao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link