Kalye

Wag kang magmadali at kalmahan mo lang
Darating din araw na maaabot mo ang
Mga pangarap na iyong inaasam
Wag magpa apekto sa nangingialam
Pag napagod ka, pwedeng magpahinga
Wag kang mag madali, pwedeng pa isa-isa
Iaalay ko lahat sa bawat sulat o akda
Para malaman mong hindi ka nag-iisa
Okay lang naman bagalan, di to pabilisan
Basta pagsikapan wag mapanghinaan
Wag ikahiya ang hirap na ginapang-arap ituloy lang wag manghihinayang.
Malubak man ang kalye tuloy ang pag abante
Kung walang pamasahe, matutong dumiskarte
Wala mang nakahain tyagain ang konting saing
Kahit hindi palarin lahat ay tatahakin

Dibale nang mabalewala, basta't gumawa nang gumawa hangga't lahat na ay Magtataka at sayo narin mapapatingala

Binaha ng negatibo, inulan ng critisismo
Inapakan pagkatao, wala nang pagbabago
Sa hirap ay nahubog, tiniis ang mga bubog
Kilay sinusunog para maabot ang rurok
Matapos pumalaot, hinarap ang mga alon
Na higanteng hadlang sakin para di na maka ahon
Saking muling pagbangon, umaga man o hapon
Palaging nakalingon sa mga natutunan ko kahapon
Ang mga inspirasyon,nuon hanggang sa ngayon
Palagi lang nakasunod sa payo't mga leksyon
Doble ang dedikasyon lagpasanan limitasyon
Sasakyan ang bawat byahe, papuntang destinasyon
Malubak man ang kalye, tuloy ang pag abante
Kung walang pamasahe matutong dumiskarte
Wala mang nakahain tyagain ang konting saing
Kahit hindi palarin lahat ay tatahakin

Dibale nang mabalewala, basta't gumawa nang gumawa hangga't lahat na ay Magtataka at sayo narin mapapatingala



Credits
Writer(s): Raphael Alfonso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link