Tuwina

Malaya kang gawin kung ano man nasa isip
Huwag mo lang madaliin panatilihin na tahimik
Kase nga marami jan ang nakasilip

Kahit na kung minsan ay mabagal huwag ka sanang mainip
Parang nasa kalawakan hinahanap ang iyong mga halik

Kahit nadapa natutunang magpakumbaba
Imbes na humilata gumalaw at kinilusan
Nakipag laro sa alon kasabay ng pinabaga ko na dahon, nakabongon
Piniling maka ahon mag mula sa mapait ko na kahapon
Sana masilayan matamis mo na ngiti
Daming naranasan mapait na pighati

Kaya pasensya na kung minsan naging gago
Napulot ang lahat ng aral at nag bago
Regalo kong maituturing, lahat ng to'y lilipas din
Kahit na hindi palarin sinubukan ko parin

Sa tuwina, lagi ka nalang sa panaginip,
Di ka na nga maalis sa isip ko
Kada pag dating mo ay bukas pinto, puso tumibok hindi na hihinto
Sana nga ay bukas masilayan
Sana di maputol ang ugnayan
Pag mamahalan na hindi mo sukat akalain na lumaban
Kahit pa abutin tayo ng hangganan

Malaya kang gawin kung ano man nasa isip
Huwag mo lang madaliin panatilihin na tahimik
Kase nga marami jan ang nakasilip

Kahit na kung minsan ay mabagal huwag ka sanang mainip
Parang nasa kalawakan hinahanap ang iyong mga halik
JOSIAH

Kahawig ng yong mata ang paglubog ng araw
Balang araw maidadala ba kita saking kwarto
Eh paano kung malabo dahil puso mo kandado
Malaman na likuran paalugin mo pa ng todo
Oo minsan walang modo pero parte to ng tikas
Minsan pag nandyan ka papakita aking gilas
Sige balot magpadingas, habang oras lumilipas
Di na natin namalayan kailangan mo ng lumikas

Kasabay sa pagbalik mo sainyong palasyo
Kasabay din ng pagbalik ko sa kadiliman
Hay nako kung pwede lang pakibagalan, mga nakaw sandalian
Para sakin mabilisan, para sayo ay wala lang pero para sakin meron
Buti nalang merong dahon kasabay ng aking pagbangon
Mga nangyare kahapon sana maulit muli



Credits
Writer(s): Sean Yap
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link