Telepono

Nakatitig sa mga bituin
Habang naririnig ang iyong tinig
Pinag-uusapan natin ang mga sandaling
Mahahagkan na natin ang ating mga labi

Nais makasama ka, makayakap sa gabi
Ikaw ang nagbibigay sa akin ng mga ngiti
'Pag dumating, panahong ika'y kapiling na
Susulitin, panahong magkasama tayong dalawa

Kahit medyo alanganin
Kung wala'y hahanapin

Sana ay naririnig mo
Ang tinig ng telepono
Ang oras, layo't kilometro
Ay minsan abot ng iyong telepono

Telepono

Para bang lagi kang nasa piling
Sa tuwing tayo ay magkausap
Gusto man na ikaw ay makita
Sa ngayon, usap lang ang mabisa

Hahambingin, mga ngiting
Galing sa boses, nakakalasing
Mayro'n mang kulang, pupunuan
Boses mong duyan ay abot sa buwan

Kahit medyo alanganin
Kung wala'y hahanapin

Sana ay naririnig mo
Ang tinig ng telepono
Ang oras, layo't kilometro
Ay minsan abot ng iyong telepono

Telepono

Sana ay naririnig mo
Ang tinig ng telepono
Ang oras, layo't kilometro
Ay minsan abot ng iyong...



Credits
Writer(s): Eleazar James Galope, Lexter Ramirez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link