Huramentado

When I'm looking I'm new
I know, there's no down
I'm not like a risk, I don't need to check
There's no need, I am a different greed

Tell them all
Whoever comes, whoever against
I'll kill you, I'll kill them all
I'mma show you, how great I am (how great I am)

Heto, heto, heto, heto
Heto na ako, tabi
Damay-damay na 'to, pre
Ikaw, sila, kayo, kami

Ket ganyan o gano'n 'numang sabihin n'yo ngayon
Ipagdasal n'yo na magkaroon kasi wala akong paki
Parang presong siga, nasa mental nakapuga
Walang duda, 'pag nanggigil sa mikropono

'Sakaling mahinaan man kayo sa 'kin sa una
Volume mo na'ng speaker ang itodo n'yo
Baka mali ka lang ng pihit o ng timpla
Gumilid ka na, kapag uminit 'yung makina
Sumingit man 'yung iba o pilit na magbida

Pagbibigyan hanggang 'di na humirit pa ng isa
Dalawa, tatlo, takbo, walang bakas ng babala
Taas hanggang baba, lahat tabas sa pagtaga
Ngayon sa 'king pagkatao'y sa wakas nakawala
Na ang tunay na ako at nakalabas na sa banga
Ito

Ah-ah-ah, ang tawag dito ay
Huramentado
Ah-ah-ah, ang tawag dito ay
Huramentado

Bi-bi-bi-bilang class S na halimaw na nanggaling pa sa amin
Sa dami ng hinain na itinae na't kinain
Taglay pa din ang gutom na sa akin ay sinalin
Na para bang si Eugine na may sapi ni Raizen

Kaya palag kahit sa'n dako mo dalhin 'to
Pambatong taga rito na pandayo na istilo
Malayong marating ko daw ay nilakbay naki
Pagsabayan ng sabay sa mga bago at antigo

Magbago man ang agos ay hindi nagpatangay
Na parang may gabay na galing sa taas na boses
Sa 'king pagdaan, luma't bagong paarala'y
Makahati sa gitna na parang dadaan si Moises

O tangkeng armado ng de sabog na baril
Sakay ako, may sinding nakabalot sa papel
Bulong ng diablo at anghel sa 'kin, naghalo na aber
Mga humarang tiyak giba, parang minaso na pader
Tabi

Ah-ah-ah, ang tawag dito ay
Huramentado (tado)
Ah-ah-ah, ang tawag dito ay
Huramentado (tado)

Ah-ah-ah
('Di ako naghahamon, magwawala ako kaya 'di ka magkakaro'n)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon 'pag ako na ang nambaon)
Huramentado

Ah-ah-ah
('Di ako naghahamon, magwawala ako kaya 'di ka magkakaro'n)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon 'pag ako na ang nambaon)

Ika nga ng manghuhulang bumalasa ng baraha
Umasa man na sana may pag-asa pa, wala na
Pagsabog ng tinimpla kong lakas ng mga bara
Na kapag kinontra parang dumapa ka sa granada

Ideyang sangkatutak na siniksik ko sa utak
Ay parang mga perlas na sinisid ko sa burak
Normal na ako'y higit na sa pangkaraniwan
Na parang nakarugbyhan ko si Biggie at si Tupac

'Di man kilala sa pagiging pinaka
Sa sarili'y nanaig ang pagiging iba n'ya
Sanhi ng lalim ng pagkakahimbing
Tila ba panaginip niya'y hanggang sa paggising dinala

Steady lang sa gedling maghintay maipakita
Sa mga mic ang mga rima na sinanay n'ya kanina
Lumagpas man sa oras sa lakbay ng mga linya
'Di susuko kahit magtaas kamay pa si Anigma
Time

Ah-ah-ah, ang tawag dito ay
Huramentado (tado)
Ah-ah-ah, ang tawag dito ay
Huramentado (tado)

Ah-ah-ah
('Di ako naghahamon, magwawala ako kaya 'di ka magkakaro'n)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon 'pag ako na ang nambaon)
Huramentado

Ah-ah-ah
('Di ako naghahamon, magwawala ako kaya 'di ka magkakaro'n)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon 'pag ako na ang nambaon)
Huramentado (tado)



Credits
Writer(s): Bryan Lao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link