Tibok

Pakinggan mo ang tibok ng puso ko
Hanggang ngayon ay 'di ka nalalayo
Ikaw pa rin, ikaw ang siyang sinisigaw
Ni minsan 'di 'to naligaw
Tulala pa rin sa kislap ng iyong mata
Sobrang ganda o di nawawala
Pagibig sayo, ikaw lang gusto
Halika't ipaparamdam

Isasayaw kita ng mabagal
Hanggang sa walang hangganan
'Di magsasawang papakinggan
Ano man ang nasa iyong isipan
Sasamahan ano mang oras
Aalagaan 'gang pagtanda
Papaalala pagnalimutan
Pagmamahal ko sayo'y ganito

Dahil sayo ay nabago takbo ng mundo
Isa kang anghel na pinadala
Kinulayan mo ang buhay ko
Sayo lang ako kinikilig
Wala rin ibang nadidinig
Pagkat sayo lang pumipintig
Ang puso kong umiibig

Isasayaw kita ng mabagal
Hanggang sa walang hangganan
'Di magsasawang papakinggan
Ano man ang nasa iyong isipan
Sasamahan ano mang oras
Aalagaan 'gang pagtanda
Papaalala pagnalimutan
Pagmamahal ko sayo'y ganito



Credits
Writer(s): Jan Ed Christian Llorens
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link