Pusong Bitwin

Mahiwaga ang sandaling
Dama ng damdamin
Na hindi pa natatagpuan ng paningin
Pakinggan ang sigaw at himig ng puso

Mistulang mga alitaptap sa dilim
Mga pusong nakalutang, nasilayan ng damdamin

Sumayaw sa himig na walang hanggang hatid ng pag ibig
Awitin ang tinig na tinitibok ng pusong nagnining-ning
Sa kalawakan puso ang mga bitwin (2x)

May ngiti, sa bawat sandali
Dama ng damdamin
Na hindi pa natatagpuan ng paningin
Pakinggan ang sigaw at himig ng puso

Mistulang mga alitaptap sa dilim
Mga pusong nkalutang, nasilayan ng damdamin

Sumayaw sa himig na walang hanggang hatid ng pag ibig
Awitin ang tinig na tinitibok ng pusong nagnining-ning
Sa kalawakan puso ang mga bitwin (2x)

Kahit di masabi ang tamang panahon
Maniwala at pagbigyang yakapin ang baawat sandali
Habang may puso may pagibig (2x)

Sumayaw sa himig na walang hanggang hatid ng pag ibig
Awitin ang tinig na tinitibok ng pusong nagnining-ning
Sa kalawakan puso ang mga bitwin (2x)



Credits
Writer(s): David Lunas, William Lunas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link