LARO

Oras oras
Nagaabang ng 'yong sagot
Saking telepono

Ilang beses
Pa ba 'kong magpapadala
Sa mga salita

Kung napaka dali lang lumisan
Burahin 'yong numero

Gumimik na ko sa diskuhan
Sinayaw palabas ako sa piling mo ha

Kung di rin naman
Magtatagal, bakit pa
Tayo naglalaro
Hindi ka pa ba sawa?

Sa damdaming pina ikot
Na walang hantungan
Pagod na ko, sinta
Hindi ka pa ba sawa ha

Urong - sulong
Pilit palinawin ang lahat
Ng senyales mo

Pumilipit
Na ang isip ko, ano bang
Ginawa mo sakin?

Kung napaka dali lang lumisan
Gasgasan ang playlists na pinaburn mo sakin

Nag arkila ng pelikula at
Inood ang pag ibig na inaasam ko

Kung di rin naman
Magtatagal, bakit pa
Tayo naglalaro
Hindi ka pa ba sawa?

Sa damdaming pina ikot
Na walang hantungan
Pagod na ko, sinta
Hindi ka pa ba sawa ha

Hindi ka pa sawa?
Hindi ka pa sawa?

Oh tama na
Kamay sa puso ko
Nahihilo
Wag mo kong lapitan
Kung di naman
Ako ang nais mo
Sawa na ako, sa yong mga laro



Credits
Writer(s): Lance Bermejo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link