Hindi Ko Sukat Akalain

Tila kahapon lamang nang tayo'y nagkakilala
'Di inaakalang mauulit ang ating pagkikita
Mga nakaw na sandaling alam man natin ay bawal
Paulit-ulit naganap ang 'di inaasahan

Ang nakaraan ba sa 'ti'y 'di na ba magaganap?
Sukdulang pag-irog ko ay 'di na ba hinahanap?
Naging mailap ang pagkakataon sa nagdaang mga suyuan
Aking hahanap-hanapin ang labi mo, hirang

Hindi ko sukat akalain na sa maigsing panahon
Ika'y aking iibigin
Kakaibang kaligayahan sa tuwing kita'y nakakapiling
Tila isang sumpa kung aking iisipin

Hindi ko sukat akalain na sa maigsing panahon
Ika'y aking iibigin
Kakaibang kaligayahan sa tuwing kita'y nakakapiling
Parang isang panaginip, ayoko nang magising

Hindi ko sukat akalain na sa maigsing panahon
Ika'y aking iibigin
Kakaibang kaligayahan sa tuwing kita'y nakakapiling
Parang isang panaginip, ayoko nang magising

Ang balintataw ko, ikaw ang laging sambit
Ang mga lumipas kaya'y muling mauulit?



Credits
Writer(s): Ace Del Mundo, Clem Castro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link