Leni Laban!

Ano na ba'ng tama ngayon?
Sa dami ng pinaglalaban, 'di ko maintindihan
Bakit patuloy ang dahas at maraming nasasaktan?
Minsan iisipin mo na lamang
May pag-asa pa ba?

Laban kung laban, para sa bayan
At sa mga naniniwala sa katotohanan
Laban natin 'to, handa ka na bang
Ibigay buong puso't isipan?

'Wag kang mawalan ng pag-asa
Ang puso ialay sa laban
Kapalit ay tagumpay, laban
Laban, laban, laban

Marami sa 'tin ay bulag-bulagan
Hanggang saan? Hanggan kailan?
Kailangan nang lumaban, hihintayin pa bang
Pamilya na ang masasaktan
'Wag matakot kapag ikaw ay nasa katwiran
Kakampi mo katotohanan

Laban kung laban, para sa bayan
At sa mga naniniwala sa katotohanan
Laban natin 'to, handa ka na bang
Ibigay buong puso't isipan?

'Wag kang mawalan ng pag-asa
Ang puso ialay sa laban
Kapalit ay tagumpay, laban
Laban, laban, laban

Maraming hinaing ang nais iparating
Iba-iba ang dalangin sana'y unawaan natin
Pagmamahal sa kapwa ang dapat palaganapin
Hindi dahas, kundi pag-ibig
Hindi dahas, kundi pag-ibig

'Di mo ba naririnig o manhid ka na sa tinig ng 'yong bayan?
Wala na bang inaatupag kundi ang sarili mong kapakanan?
'Wag na 'wag mong hahayaang diktahan ng namumuno
Sandata ang dugo at diwa ng mga ninuno

Nangako ka, nangarap ka
At buong pusong nanumpa ng katapatan at kadakilaan
Para sa iyong bayan
Kaya ngayon tayo'y lalaban

Laban kung laban, para sa bayan
At sa mga naniniwala sa katotohanan
Laban natin 'to
Handa ka na bang ibigay buong puso't isipan?

'Wag kang mawalan ng pag-asa
Ang puso ialay sa laban, kapalit ay tagumpay
Ang puso ialay sa laban, kapalit ay tagumpay

Laban, Leni, laban
Laban, Leni, laban
Laban, Leni, laban
Laban, Leni, laban



Credits
Writer(s): Bullet Dumas, Gabriel Tagadtad, Jonathan Manalo, Rox B. Santos, Yael Yuzon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link