Huwag Sana

Minsan na lang ako umibig ng wagas
Sa isang tao nag-bukas
Ang pusong kay tagal umiiwas

Umaasang hindi muli mabibigo
Dahil ang puso'y tuliro
Sa bawat sandaling ika'y wala

Bawat eksenang nakikita
Sa isip ko
Bawat minutong lumilipas
Nag-darasal

Huwag sanang dumating ang
Panahong mag-sawa na sa
Nabuong pag-ibig dito sa ating dalawa

Huwag sanang bumitaw sa
Ala-alang nagbigay ng
Sigla sa buhay nating minsan lamang ay payak

Sabay natin na kakayanin to

Sa bawat pag-daan ng oras ay dala
Nito ang aking pangambang
Tayo'y tuluyan ng magwawakas

Bawat pagsubok na lumipas
Sa buhay ko
Pilit lahat ay kinakaya
Para sa'yo

Huwag sanang dumating ang
Panahong mag-sawa na sa
Nabuong pag-ibig dito sa ating dalawa

Huwag sanang bumitaw sa
Ala-alang nagbigay ng
Sigla sa buhay nating minsan lamang ay payak

Sabay natin na kakayanin to

Kahit isang daang pag-subok dumating haharapin
Di matitinag ang pag-ibig ko
Kahit limang delubyo ma'y humagupit susuungin
At titibayan ang sarili ko

May takot man sa puso
Hindi ko bibitawan
Nabuong pag-ibig dito sa ating dalawa

Kaya kong magtiis at
Hintaying maging handa ka
Para sa'yo ilalaban ko to hanggang wakas

Huwag sanang dumating ang
Panahong mag-sawa na sa
Nabuong pag-ibig dito sa ating dalawa

Huwag sanang bumitaw sa
Ala-alang nagbigay ng
Sigla sa buhay nating minsan lamang ay payak

Sabay natin na kakayanin to

Huwag nating susukuan
Ating pagmamahalan
Pangako natin na wala ng iwanan



Credits
Writer(s): Kim Rivera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link