Panaginip

Ika'y nakikita ngunit hindi mahawakan
Inakalang nandiyan ka pero wala naman pala

Ilang taon na tayong naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kina-kailangang lumipas

Gusto ng maidlip para makapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika'y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Bakit parating nahihirapan ang mga taong nagmamahalan
Naiipit sa gitna ng kaguluhan

Ilang taon na tayong naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kina-kailangang lumipas

Gusto ng maidlip para makapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika'y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Mahal parin kita at parating mamahalin
Mayroon mang bago sa aking buhay
Ikaw parin ang iisipin

Ilang taon na tayong naghihintay para mag sama
Ilang taon pa ang kina-kailangang lumipas

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo

Para kahit sandali ika'y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo
Para kahit na hindi tayo sa huli
Sa aking mga panaginip,
Tayo'y magwawagi



Credits
Writer(s): Wake Up Your Seatmate
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link