Isa Kang Diwata

Aking mahal
Ako'y naghihintay na mapansin mo
Kung anong bago ngayon sa porma ko

Nagkrus na naman
Ang ating mga tingin, habang labas ang ngipin
Hinahawi ang buhok mo ng hangin

Kakaiba ang nadarama ko
Ibang iba ang nakikita ko
Sa'yo

Isa kang diwata
Lumiliwanag ang paligid mo
Kapag ika'y nandito

Isa kang diwata
Kumikinang na ang iyong kamay
Kapag aking hinahawakan

Aking mahal
Napansin mo na pala ang bago ngayon
Sa porma ko na para lang sa'yo

Kakaiba ang nadarama ko
Ibang iba ang nakikita ko
Sa'yo

Isa kang diwata
Lumiliwanag ang paligid mo
Kapag ika'y nandito

Isa kang diwata
Kumikinang na ang iyong kamay
Kapag aking hinahawakan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link