1710

Unahin ang sarili bago ang iba
Masaya ka ba sa buhay mo tatanungin kita
Nilamon ng materyalismo, takot sa kritisismo
Walang patutunguhan ang buhay mukhang mali to
Tumatakbo ang oras, kaya mo bang habulin
Bago lumabas sarili muna'y sasakupin
Mundo'y hindi patas kung tunay na iisipin
Akala mo malaya pero tayo ay alipin
Mundo na mapanghusga, gusto ko itong takasan
Lumipad papataas, paakyat lang walang babaan
Damahin maigi ang euphoria na nararanasan
Ako ay ayos na basta't may musika't halaman
Hindi naman kailangan, gawin pang komplikado
Sabik sa kaalaman, uhaw sa pagbabago
Handa akong labanan, bangungot ng kahapon
Basta't kasama ka walang saglit na itatapon

Walang saglit na itatapon
Walang saglit na itatapon

Ang buhay pasarapan, hindi 'to pahabaan
Kapag may gusto kang gawin wag kang mag-alinlangan
Lalong lalo na kung wala namang tinatapakan
Ang mga paa kong papunta sa kinabukasan
Na sa sobrang liwanag ay kailangan ng salamin
Mga kasiyahan saking buhay ay dadamhin
Pagkat di ko alam kung ito pa ba ay mauulit
Kaya habang nandito pa ay aking sinusulit
Minulat ang aking mata nakita ang lagusan
Binuksan palaisipan may bagong natutunan
Pumunta sa himpapawid, para makatawid
Sa mga masakit na bagay gusto kong maging manhid
Mga aral ng kahapon ay gabay mo sa ngayon
Hindi mata ang gamit para makita ang ilusyon
Utak ang puhunan upang ito'y maging
Kita
Sarili ko kalaban ko pero ako rin bida



Credits
Writer(s): J. Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link