Ikaw Lang Ang Mahal

Ikaw lang ang tangi kong minamahal
'Di mahalaga ang iyong nakaraan
Pangarap ko'y sa 'yo pa lang matutupad
Oh, salamat at ngayo'y nandiyan ka na

Nakangiti sa atin
Ang kapalaran natin
Sana ay hindi na nga magwawakas

Dahil mahal kita at walang iba
Kahit anong hadlang, 'di lilisan
Dahil ikaw na ang pag-ibig na pangarap ko
Ikaw na ay sapat, tanging ikaw lang ang mahal

Mahirap man ang buhay gumagaan
Ang pagsubok ay hindi magwawagi
Naka sandal sa ating pagmamahalan
Ikaw ang lakas 'di maitatanggi

Tayo ma'y dayain ng kapalaran natin
Ipaglalaban ko kahit hanggang wakas

Dahil mahal kita at walang iba
Kahit ano'ng hadlang, 'di lilisan
Dahil ikaw na ang pag-ibig na pangarap ko
Ikaw na ay sapat, tanging ikaw lang ang mahal

Bihira man itong sabihin sa iyo
Ikaw lang ang hanap ng damdamin ko

Dahil mahal kita at walang iba
Kahit ano'ng hadlang, 'di lilisan
Dahil ikaw na ang pag-ibig na pangarap ko
Ikaw na ay sapat, tanging ikaw lang ang mahal



Credits
Writer(s): Mark Carpio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link