Adhikain

Isang taon, ang nakalipas
Mula nung bumalik
Mas lalong sinipagan
Lalong naging sabik
Mas lalo kong ginalingan
Kasi alam kong may mararating ako
Kaya progression ko'y tumatarik
Sineryoso ang eksena
Hindi nako yung dati na palaging nakatengga
Madadama naman sa galawan ko mga repa
Bawat oportunidad, ay aking kinokolekta
Yung dati na pabara-bara lang mga galawan
Bumabara na sa bawat gig na tatapakan
Makikita mong unti-unti nang pumapatag
Yung nilalakaran ko, at mga dinadaanan
Naglabas ng anim na apoy sunod-sunod
Senyales na palagi na kayong mabubusog
Matik bawat beat na lalapatan ay sunog
Resulta ang makatindig balahibong klase na tunog
Hindi narin kayang bilangin yung mga napabilib
Saan mang plataporma ako ay maririnig
Ano mang natatamasa ko ay hindi ko bineg
Dahil lahat nang ito, ay sarili kong igib
Kahit anong klaseng sulatan ako ay papasa
Isa kong estudyante na mahilig mag-basa
Hindi tumitigil hanggang sa makabisa
Patuloy lang na sumusubok hanggang sa makaisa
Buti nalamang talaga'y nagpahinga ako noon
Dahil mas lalong trumiple na yung gutom ko ngayon
At yung anim ko na yon? Panimula ko palang yon
Mas malakas na pwersa ang aking itutugon
Kaya kahit na may mag bunga ay magtatanim parin
Palaging babalik kahit saan makarating
Patuloy matututo kahit na gumagaling
Lahat ng tumulong sakin ay aking lilingunin
Umarangkada lang palagi
Hindi ka mababale kung palagi kang babawi
Wag kang magpapatali
Ano man ang mangyari ay tuloy lang sa pagbyahe
Kung manghihina ay hindi yun dahilan
Para maisip o kaya iyong matuldukan
Mga pangarap ay kailangan mong mapuntahan
Gawin mong sandata mga mali mo sa nakaraan
Para san pa nga ba kung titigil ko na ang lahat
Magmula sa kada sulat at sa kada pamagat
Mga barang hinanda at inensayong panapak
Upang magsilbing pamasahe sa byahe ko paangat
Naalala kong madami na din akong natanim
Kaya di na para papurolin pa ang patalim
Aminadong nanghina na rin ako ng palihim
Dahilan para sa pag balik ko'y lalo pang madiin
Ang talento kong hinasa sa tagal ng panahon
Pasulong kong nilakad, inaral upang sa ganon
Ay malaman ang kasagutan sa bawat mga tanong
At patunayang ang sulat at bara ko'y di patapon
Di na para itigil ang lahat at ihinto
Alam kong may naka abang sakin na pinto
Ang sinasabing tagumpay mapapasakin din to
At balang araw kikinang at tatawaging ginto
At kahit minsan man ay nawawalan na ng gana
Nanghihina't parang mauubusan ng gasolina
Hindi yun dahilan para itigil ang sana
Dahil sa pagbalik ko ay baliko ang mga akala
Nang mga taong palaging sinasabing di ko kaya
Makipag sabayan makipag sagaran ng bara
Makipag palitan o ubusan man ng bala
Ako'y handang makipagsagasaan para sa talang
Pinangarap ko na maabot at aking mahawakan
Mayakap mahanggan na para sa kasiyahan
Bibitbitin sa pag usad pagpapakumbaba ang tangan
Dumating man sa punto na pumutok sa kasikatan
Walang rason para itigil ang aking nasimulan
Tuloy sa arangkada tagtuyot o tag ulan
Makagawa man ako minsan ng kapalpakan
Dadating din ang oras na ako'y papalakpakan



Credits
Writer(s): 2xclick, G-fortem
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link