Libre Magmahal

Araw ng Oktubre nagising ang pag-asa
Muli tayong nangarap sa mundong puno ng pangamba
Magsimula na tayong gumalaw ng kusa
Kahit hindi 'to mapaniwalaan ng iba

Masasakit na pananalita ang kanilang binabato
Dahil hindi nila kayang tanggapin ang totoo
Ikahiya at itakwil man ng mga kadugo
Nakahanap naman ng pamilyang tanggap tayo nang buo

Parami nang parami, ngunit 'di pa tapos ang laban,
Kahit sino pa man, mahirap o mayaman
Handang tumayo sa gitna ng init at ulan
Upang pagbabago'y makamtan

Tara na't mangumbinsing iukit ang mundong tapat
Sumayaw para maipanalo ang buhay na angat
Sabay-sabay natin itong pintahan ng kulay rosas
At iawit ang pinaglab ang magandang bukas
Dahil walang katumbas na kabayaran
Ang pagmamahal sa bayan

Sa kanyang nagawa at magandang halimbawa,
Hinabaan ang pasensya, at nagpakumbaba,
Radikal na pagmamahal, laging nasa isipan,
Dahil sila'y kasama sa pinaglalaban

Parami nang parami, ngunit 'di pa tapos ang laban,
Kahit sino pa man, mahirap o mayaman
Handang tumayo sa gitna ng init at ulan
Upang pagbabago'y makamtan

Tara na't mangumbinsing iukit ang mundong tapat
Sumayaw para maipanalo ang buhay na angat
Sabay-sabay natin itong pintahan ng kulay rosas
At iawit ang pinaglabang magandang bukas
Dahil walang katumbas na kabayaran
Ang pagmamahal sa bayan

Sa kanyang husay at puso
Madali siyang ipaglaban
Hindi magiging madali ang laban
Sulit ang pagtindig
'Pag ang bansa'ng nakasalalay

Tara na't mangumbinsing iukit ang mundong tapat (Ang mundong tapat)
Sumayaw para maipanalo ang buhay na angat (Buhay na angat)
Sabay-sabay natin itong pintahan ng kulay rosas
At iawit ang pinaglabang magandang bukas
Dahil walang katumbas na kabayaran
Ang pagmamahal sa bayan

Libre magmahal



Credits
Writer(s): Bryan Rillorta
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link