Dalamhati

Hindi ko hiniling na kahit minsan may mangyari sa iyong masama
Kaso lang, ako rin pala ang siyang makaggagawa
'Yong ayokong maging ay siyang naging ako
Kung kaya't naaabot ko ang iyong pinanghuhugutan
May karapatan kang ako ay kasuklaman
Malaya ka, na iyan ay maramdaman
Habang ako, buong buhay na itong maninirahan
Gumawa man ng kabutihan, napakalabo nang mapaniwalaan

Pinakain ka sa mesa, nakitagay ng serbesa
Walang bayad makilamon, kung kaya't ba't ganon?
No'ng pagkabusog naging litaw, saka na lang mga tugon
Sa pagkaing aking inihain daw may lason?

Pinakain ka sa mesa, nakitagay ng serbesa
Walang bayad makilamon, kung kaya't ba't ganon?
No'ng pagkabusog naging litaw, saka na lang mga tugon
Sa pagkaing aking inihain daw may lason?

Oo na, naririnig kita, 'wag mo na akong sisigawan
Palibhasa nga pala, mag-iingay na nga naman
Dahilan kaya ganiyan, wala kasing mga laman
Nauubos na
Kakabuhos sa nakaraan
Kung saan naiba ko ro'n, pagkatao na nagampanan
Sa mga kaisipan Buhat no'ng ako ay nadapa't
Mga putik na kayo natalsikan
Pagkapalya ko nasaksihan
Kung kaya, pasensya sa abala na dala
Ang pangalan ko na lang pakitala
'Yong tumulak kasi sa 'kin ay nawawala
Ako na umaako kahit 'di ako ang dapat sumalo ng binato
Oo nga't hanggang ngayon
'Di natutuwa, no'ng tinalo
Pero tama na, tanggap ko na
Kaya pa nga ay lumayo
Naglayag ako, kahit na binabagyo
Huwag mo nang habulin
At ako'y wala na nga sa buhay mo

Pinakain ka sa mesa, Nakitagay ng serbesa
Walang bayad makilamon, Kung kaya't ba't ganon
Noong pagkabusog naging litaw, saka na lang mga tugon
Sa pagkaing aking inihain daw may lason?

Pinakain ka sa mesa, Nakitagay ng serbesa
Walang bayad makilamon, Kung kaya't ba't ganon
Noong pagkabusog naging litaw, saka na lang mga tugon
Sa pagkaing aking inihain daw may lason?

Sa tagpuan natin bakit pa maglalagi?
Alaala lamang na mga hati-hati ang natira
Ang akala ko lahat ng bagay dadali
Hindi pala!
'Yong nasimulan sa pagkaway
Nagtatapos sa pagtalikod
Ang kasama sa pag-ikot na sa dulo ay kaaway
Sasamahan daw sa lakad, ba't kayo nangtisod?
Ang maging saksakan lang nila naging gampanin ng likod
'Di ko nararamdaman, dulot ng himas at tapik na meron daw sasandalan
Mga bulungan na naririnig
Pinagsigawan na naging laro ako
Tanging kasiyahan lang na kapag ako'y umaaray dapat masilayan ba?
Naggawan pa man kita ng mga mali
Hindi ko yun sadya, nagsisisi na
Pero naggawan mo rin ako 'di ba
Kaso pagganti, 'di na nagtangka
'Di magpapanggap, tayo lang kasi ay iisa

Tama bang ibato ang nakaraan para manira ng kasalukuyan
Oo, marami akong naggawang 'di tama
Pero sapat na ba iyon para hilingin ang aking pagkawala?
Malimutan ang mga kabutihang tinatangi na sa iyo rin ay nagpangiti?
Kung ganoon dapat muna rin natin tignan nang ilang libong ulit ang sarili
Pareho tayong may mga maling napili
Kung kaya't gaano man kasaya ang noon, ayoko nang bumalik sa dati
Ganoon pa man, mag-iingat ka pa rin palagi

Salamat sa pinagsaluhan na mga piging
Kapayapaan na ang aking naging hiling
Malabong sumalubong kung ako'y kumanan at ika'y kumaliwa
Paalam na, habang ang mata'y nagluluha
Tunay talaga mga naramdamang saya
Hindi rin isinusumbat lahat ng nataya
Kaso tama na, mga kadenang dapat ko nang kalagan
Pakiusap lang, para 'di na tayo masaktan

Salamat sa pinagsaluhan na mga piging
Kapayapaan na ang aking naging hiling
Malabong sumalubong kung ako'y kumanan at ika'y kumaliwa
Paalam na, habang ang mata'y nagluluha
Tunay talaga mga naramdamang saya
Hindi rin isinusumbat lahat ng nataya
Kaso tama na, mga kadenang dapat ko nang kalagan
Pakiusap lang, para 'di na tayo masaktan



Credits
Writer(s): Leonard Elizan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link