Kupido

Bagong araw, bagong puso
Tanaw mo ba si Kupido?
Parang kailan lang no'ng tayo'y
Tinamaan ng pana nito

Bakit pa kasi lumisan? Ano ang 'yong dahilan?
Para ako'y iwanan at saktan aking damdamin
Mga pangarap natin
Naglaho na lang nang bigla mong sabihin

"Hanggang dito na lang
Pinapalaya na kita, paalam"
Hindi ko matanggap
Na kaya mo pala akong bitawan
Pag-ibig ba'y biglang nawala?
Sa akin ba'y bigla na lang nagsawa?
Ngayo'y nag-iisa, hanap-hanap ka
Sana'y 'di na lang lumisan pa

Alaala'y pumaparito
Sa'n man dalhin ng panahon (oh, Kupido)
Pwedeng pakipana na 'ko?
Pati puso n'yang naging bato

Bakit pa kasi nang-iwan?
Ako ay hinayaang malunod sa bawat luhang
Ikaw lang ang dahilan at tagapagpatahan
Nagbago na lang nang bigla mong sabihing

"Hanggang dito na lang
Pinapalaya na kita, paalam"
Hindi ko matanggap
Na kaya mo pala akong bitawan
Pag-ibig ba'y biglang nawala?
Sa akin ba'y bigla na lang nagsawa?
Ngayo'y nag-iisa, hanap-hanap ka
Sana'y 'di na lang lumisan pa

Pag-ibig ba'y biglang nawala?
Sa 'kin ba'y bigla na lang nagsawa?
Ngayo'y nag-iisa, hanap-hanap ka
Sana'y 'di na lang lumisan pa



Credits
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo, Caine Aaron Balicas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link