Naghihintay

Kailan ba makikita ng iyong mga mata?
Kailan ba maririnig sa'yo na tayo na?

'Wag mo akong sisihin
Kung ang lungkot ng aking damdamin
Bakit hindi mo ako subukang suyuin?

Naghihintay kahit parang walang pag-asa
Handa na maghintay kahit meron ka nang iba
Bahala na
Naghihintay ako na ikaw ay makasama
Kahit na naghihintay
Kahit parang wala na

Bakit ba 'di mo buksan ang iyong mga mata?
Nang ang oras natin ay 'di na masayang pa
'Wag mo akong sisihin kung ang lungkot ng aking damdamin

Bakit hindi mo ako subukang suyuin, suyuin

Naghihintay kahit parang walang pag-asa
Handa na maghintay kahit meron ka nang iba
Bahala na
Naghihintay ako na ikaw ay makasama
Kahit na naghihintay
Kahit parang wala na

'Wag mo akong sisihin
Kung biglang sumuko ang damdamin
'Di mo kasi ako pinapansin



Credits
Writer(s): Clemente Jacob
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link