Kamusta

Yo-yo-yo-yo-young God
(Hello?)

Kamusta ka? Sana ayos lang
Lagi lang akong nand'yan, kaso lang, ang damot ng bibig
Para sa'n pa kung handa 'kong makinig?
'Pag gipit, kung sa sarili mo, masyado kang bilib

Mahihirapan ka lang nang mahihirapan
Kung ipipilit mong wala kang kahinaan
Kadalasan, alak pa ang mas pinipili mong sandalan
'Di ka masaya, nanghihiram ka lang ng tapang

Dama ko na may kinikimkim na hirap ka na rin tiisin
Kaso nasanay kang pinapakita na lahat ay kaya mo ring panisin
'Di ka takot matulungan, kung tutuusin, takot ka lang na tuksuhin
Kaya 'di masagot kada tatanungin kung mayro'n bang nakakubli

Mayro'n bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng mundo
Ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan (oh-oh, whoa)
Pupwede mo akong sabihan (oh-oh, whoa)

Pero para makuha 'yung sa 'kin, mabuhay, ang dami nang kasalanang nagawa
Hindi ko na nga mapagkatiwalaan sarili, pa'nong ikaw pa kaya?
Hindi madama 'yung lungkot o saya, nagtataka lang, bakit may hininga pa 'ko?
Baka gumaan pa bigat ng dala 'pag wala, tulad ng kung ano'ng bago

Habang 'yung katinuan, nakakadena sa alak, usok at tableta
Sa napalang mapait, tatakasan saglit, pagbalik, gano'n pa din eksena, huh
Kulong sa sistema, parang malaya sa laki ng selda
Kulang na nga lang, ipako sa krus sa dami ng hudas para sa pera

Katulad nilang gusto pa 'ko masira, kahinaan 'di ko maipakita
Layo ng gusto ko pa marating na naliligaw din 'pag walang gasolina
Kanina ay nasa dulo ng bangin, lason sa hangin, sarap damahin
May lubid sa puno, sinabit daliri ko sa 'king baril bago kalabitin

Mayro'n bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng mundo
Ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan (oh-oh, whoa)
Pupwede mo akong sabihan (oh-oh, whoa)

Buhay n'ya na hiniram ay kinuha pa n'ya nang hindi nagpaalam
Sa mga kaibigang nakatawanan, sa dami ng 'di n'ya gustong naranasan
Sa mga huling hininga n'ya na lang inasahan mahanap ang kapayapaan
Hirap manalo 'pag nasa loob ng isipan ang pinakanaging kalaban, uh

Mayro'n bang dapat sisihin? Paligid, sarili, mundong magulo
Hindi ko alam kung kanino ba dapat ituro 'yung dulo ng hintuturo
Alam mong hindi ka makakalimutan, hinaharap, nagawang talikuran
Kinakausap ka habang nasa likod ng salaming may saradong pintuan

Malapit ka nang bumigay, dama ko, 'wag ka magmadaling maabo
Magkakaasawa ka pa at magkakaanak ka pa hanggang sa magkaapo
Kapag ganitong-ganito, 'yung wala ka, abot na abot ko kung ba't ka lito
Tadhana ang palabiro, pagsubok ang pampatino

Buhay, parang biyahe, maraming hadlang
Ikaw na bahala kung pa'no mo sasakyan
Natural lamang na mabigatan kaya hanapin ang pampagaan
'Yan ang paraan, kasama 'yan, 'wag mag-alala kung mayro'n bang nakakubli

Mayro'n bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng mundo
Ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan (oh-oh, whoa)
Pupwede mo akong sabihan (oh-oh, whoa)

Mayro'n bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng mundo
Ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan (oh-oh, whoa)
Pupwede mo akong sabihan (oh-oh, whoa)



Credits
Writer(s): Archie Dela Cruz, Lester Paul Vano, Sean Patrick Ramos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link