Ikaw Ang

Ikaw ang matagal nang mithiin
Ngayon and'yan ka na ika'y aking iibigin
Hindi hahayaang mawala ka sa 'kin
Ikaw lamang ang tanging
Ikaw lamang ang tanging dinadalangin
Mahal ko

Masyadong maikli ang buhay para 'di sa 'yo iparating
Na kahit saan tayo mapunta, handa kang mahalin
Sa pinakamaginhawa man o kahit idiin
Sa pinakamahirap na kalagayan man dalhin
'Di ako aalis, ayaw kitang ma-miss
Sa 'yo lang tatabi at pag nawala ko sa 'yong paningin
Agad na babalik para sulitin bawat sandali
Makapiling ang sagot sa aking mga kahilingan, dahil
Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam
Na ang mundo ay sa 'tin lang at sa iba'y wala tayong pakialam
Nagkamali man ng ilan, 'yun ay 'di na para tignan
Pag-ibig lang ang palaging pagbibigyan

'Di ko sasayangin ang pagkakataon
Habang panahon kita na mamahalin
Oo habang panahon

Dahil ikaw ang matagal nang mithiin
Ngayon and'yan ka na ika'y aking iibigin
Hindi hahayaang mawala ka sa'kin
Ikaw lamang ang tanging
Ikaw lamang ang tanging dinadalangin
Mahal ko

Nakahanda ako at alam kong marami pa tayong
Mga pagsasaluhan pagdadaanang lungkot at saya
Mga tagpong mahihirapan tayong unawain ang isa't isa
Pag-intindi natin ay palawakin, alalahanin mo lang palagi
'Di ako kaya na harangin ng kahit
Anumang pagsubok 'di ako mapapasuko, pasensya ay papahabain
Sa mga panahong marami tayong mga dalahin
Kahit na mag-isa lang kakayanin, basta maniwala lang sa 'kin

Lahat ay gagawin para mabigay sa 'yo ang magaan na buhay
At pagka nadilim ang langit, ngiti mo'y naglalagay ng kulay
Ika'y mahahambing sa mga bituin du'n sa kalawakan
Dahil aking mga hiling ikaw ang katuparan lagi kong dadalhin
Sa puso at isip kung bakit dapat manatili na matibay
Hangga't sinasambit mo na ako ay mahal mo din ay
Mas maninindig wala 'kong hindi gagawin
Sayo'y 'wag lang ako mapahiya, uhh

Lalo na't Ikaw ang matagal nang mithiin
Ngayon and'yan ka na ika'y aking iibigin
Hindi hahayaang mawala ka sa 'kin
Ikaw lamang ang tanging
Ikaw lamang ang tanging dinadalangin

(Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay)
Ngayon and'yan ka na ika'y aking iibigin
(Nandito na ikaw, ikaw)
Hindi hahayaang mawala ka sa'kin
(Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw)
Ikaw lamang ang tanging

Ikaw ang matagal nang mithiin
Ngayon and'yan ka na ika'y aking iibigin
Mahal ko



Credits
Writer(s): Christopher James Moore Lopez, Stephen A Tan, Melvin F Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link