Para Sa Buwan

Araw-araw kitang iniisip
'Di ka ba nadadapa?
Lumalim na'ng kalumata sa 'king mga mata
'Di mo ba nahahalata?

Oh, kapag ika'y nagdududa (ah)
Ang aking puso'y nalulula (ah)
Sa rami ng iyong iniisip na hindi mapantayan
Ayos lang 'yan, nandito lang ako

At kahit ano pa ang nadarama
Malabong ika'y pagsawaan
At kahit saan pa mapunta
Mananatili ako sa 'yo

Oh, aking buwan na hindi mandidilim
Magliliwanag sa lahat ng panahon
Pangako ko, aling-ali daka lakwan, aking buwan
Kaluguran da ka

Tuwing gabi ikaw ang panaginip
Lubos ko naman na inaamin
Marahil hindi na rin alam aking magagawa
Kung ikaw man ay mawala

Oh, kapag ako ay nagdududa
Alaala lang din na namihasa (ah)
Sa dami ng aking naging sablay
Sa mga taong hindi naging tunay (ayos lang 'yan)
Nandito ka na naman

At kahit ano pa ang nadarama
Malabong ika'y pagsawaan
At kahit saan pa mapunta
Mananatili ako sa 'yo

Oh, aking buwan na hindi mandidilim
Magliliwanag sa lahat ng panahon
Pangako ko, aling-ali daka lakwan, aking buwan
Kaluguran da ka

Hindi ka iiwanan, ako ang iyong tahanan
Oh, tahan na, kaya tumahan na (tahan na)
Sa dulo man ng kalawakan (kalawakan)
Palagi mong tatandaan
Aking buwan, hindi ka iiwan

Hindi ka iiwanan, ako ang iyong tahanan
Tahan na, kaya tumahan na
Sa dulo man ng kalawakan
Palagi mong tatandaan
Oh, aking buwan, hindi ka iiwan
Oh, aking buwan, ikaw lang ang pagmamasdan

Sa lahat ng taong pinili
Sa 'yo lang ako hindi nagsisi
Sa lahat ng kanilang paglisan
Ika'y nanatili sa aking mundo



Credits
Writer(s): Ralph William Datoon, Kirby Cabonce
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link