Hanngang Sa Dulo

Lumaban ka
Hanggang ika'y may lakas
Humakbang ka
Habang naroon ang bakas
Mararating mo rin ang tagumpay ng 'yong pangarap

Ang bawat isa'y
May kaniya-kaniyang takdang landas
At kapalaran
Kung bigo ka man
Huwag mawawalan ng tiwala sa may Kapal
Ang buhay ay sadyang ganyan
May pagsubok sa bawat nilalang
Kung may kasawian ay 'wag magdaramdam
Ang pag asa'y na andiyan lang

Hindi lang ikaw ang nasasaktan
Nasasawi paminsan-minsan
Ang kabiguan ay hindi hadlang
Na marating ang kailanman

Lumaban ka
Hanggang ika'y may lakas
Humakbang ka
Habang naroon ang bakas
Mararating mo rin ang tagumpay ng 'yong pangarap

Hindi lang ikaw ang nasasaktan
Nasasawi pa minsan minsan
Ang kabiguan ay hindi hadlang
Na marating ang kailanman

Lumaban ka
Hanggang ika'y may lakas
Humakbang ka
Habang naroon ang bakas
Mararating mo rin ang tagumpay ng 'yong pangarap

Lumaban ka
Hanggang ika'y may lakas
Humakbang ka
Habang naroon ang bakas
Mararating mo rin ang tagumpay
At may kaibigan ka na karamay
Sa dulo ng daigdig ay naroon ang tagumpay
Sa dulo ng daigdig ay naroon ang tagumpay



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link