Alapaap

Nagtatanong na naman
Hindi mapigil ang isipan
Puno ng "Bakit kalungkutan
Ang magdadala sa 'king hangganan?"

Panandaliang kasiyahan
Panandaliang kalimutan
Ang saya sa ating buhay
Ngunit kahit hangin, 'di kayang pigilan

Isisigaw sa mundo na makulay (na makulay)
At ang lahat ay magugulat sa alaala (sa alaala)
Sa pag-iyak ng puso ko ay maiiwan (ay maiiwan)
Ang luha na magmumula sa alapaap (sa alapaap)

Nakatingin sa bituin
Dinadama ang panalangin
Na baka ay saluhin
Ng isang himalang lalapit sa akin

Panghabang-buhay tanawin (nakatingin sa 'tin)
Ang pagmamahal na para sa 'tin (para sa 'tin)
At ang ganda ng isang umaga
Ay patunay lang na lahat ay mahalaga

Isisigaw sa mundo na makulay (na makulay)
At ang lahat ay magugulat sa alaala (sa alaala)
Sa pag-iyak ng puso ko ay maiiwan (ay maiiwan)
Ang luha na nagmumula sa alapaap (sa alapaap)

Isisigaw, isisigaw
Isisigaw, isisigaw
Oh, isisigaw, isisigaw
Oh-oh-oh-oh

Isisigaw sa mundo na makulay
At ang lahat ay magugulat sa alaala
Sa pag-iyak ng puso ko ay maiiwan
Ang luha na nagmumula sa alapaap



Credits
Writer(s): Ariver Vincent Alcantara
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link