Rosas (Extended Version)

Huwag kang mabahala
Ikaw ay mahalaga
Hindi kita pababayaan
Hindi tayo naiiba
At sana'y paniwalaang
Na pipiliin ka araw-araw

At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig

At hindi ko maipapangako ang kulay rosas na mundo para sa 'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki na ika'y isang Pilipino

Huwag kang matatakot
May kasangga ka sa laban na ito
Sabay nating gisingin ang nasyon

At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig

At hindi ko maipapangako ang kulay rosas na mundo para sa 'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki na ika'y isang

Pilipinong may pusong sagutin ang tugon
Pilipinong may tapang na muling bumangon
Pilipinong buo ang paninindigan
Alam ang tama at totoo
Samahan mo ako

Huwag kang manghinayang, hindi tayo nabigo
Tibayan ang iyong loob
At kahit may dilim na umaaligid
Ang liwanag sa puso'y 'di pasisiil
Namulat sa pag-asang sa pag-ibig hindi na muling pipikit

At hindi ko maipapangako (at hindi maipapangako)
Ang kulay rosas na mundo para sa 'yo (kulay rosas)
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino (oh-oh-oh)
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki na ika'y isang
Matatag at matapang at mabuti at mapagmahal na Pilipino
Pilipino
Pilipino



Credits
Writer(s): Gianina Camille Del Rosario, Jeralph Sanchez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link