Laan (feat. Arvy T)

Kailangan bang malaman na bilang ang pagtahan
Pag-iyak, mga laban at tiyak matatamaan
Ng kidlat at mga harang, at ilang mga kamayan?
Alam ba ang kapalaran o naguhit sa balat ng
Pahina ng libro?
Mali ba na malito?
Hindi? alamin ito.
Pili ang tanging kirot?
Sa piling natin malikot hilig pa ngang maglibot
Tinig lang ng nasa lilim hindi dapat pansinin...
Gisingin sa mga hangarin
Sisirin ang nasa malalim
Pilitin at baka palarin
Ipit rin diyan mararaming
Lihim nilang maaring
Hindi ipasa sa atin
Gipit na sa mga gawain
Higit pa ngang mamalasin
Pero dapat unawain na lahat ng nangyayari
May rason kahit bitin ang eksplenasyong hiling
Sambitin ang mga daing baka sakaling sagutin
Sa lalakarin madadapa, aangat, mabababa
Dahil ba...

Nakalaan?
Mga ganyan
Lahat ng mga bagay sa iyong harapan
Ang hinaharap
Ang nakaraan
Ang nagaganap
Wala nang babalikan
Sa sasakyan
Sa babaan
Lahat ng mga bagay sa iyong harapan
Ang hinahanap
Ang nakadaan
Ang mga balak
Lahat nakalaan ba?

Huwag magagalit kahit ang dapat napalitan
Baka mapalapit sa hangad na kagamitan
Ng pagkadawit sa lahat ng nangyayari diyan
Magkakasabit kaya dapat palagi na galingan
Ang sinasabi ko lang wag na nating hayaan ang
Tadhana magdikta bagkus mangawit ka
Dat gumalaw at umitsa,
Tumanaw pa't lumikha,
'Wag umayaw sa umpisa
Guminaw? magkumot ka
Mainit man ay magbilad
Kainin ang pagkatamad
Magsipag makalipad alamin ang reyalidad
Na kahit nakasulat ay dapat mamulat na tulad
Ng tadhana ay buhat mo rin ang pagkatupad!
Hindi lang ang 'yong kapalaran ang tunay mong kalaban
Ikaw rin kaya panghawakan, dapat tong paghihirapan
Sa bawat kaganapan huwag kang panghihinaan!
Nasa'yo ang desisyon
Tanggapin nalang pag kailangan ng leksiyon...

Nakalaan
Mga ganyan
Lahat ng mga bagay sa iyong harapan
Ang hinaharap
Ang nakaraan
Ang nagaganap
Wala nang balikan
Sa sasakyan
Sa babaan
Lahat ng mga bagay sa iyong harapan
Ang hinahanap
Ang nakadaan
Ang mga balak
Lahat nakalaan ba?

Ang kahapon ay kahapon di na mababalikan
Labi ng nakaraan 'di na mahahalikan
Kaya kung sino ka ngayon ay maging malakas nalang
Pa'no ka makakausad kung puro paatras kalang?
May tadhanang nakalaan
Pero kilusan mo na ngayon
Huwag na asahan ang salitang
Sasang ayon din naman ang panahon
Minsan kasi may araw ka na inaasahan
Biglang ulan ang dadating
Payong hindi mo nagawang dalhin
Edi hindi mo alam ang gagawin
Mabuti na yung handa
Balutin mo ng sandata
Ang katawan maigi na marunong lumangoy
Abutin man ng balsa ng malakas na alon
Takutin mo ang banta
Magisip lang ng ideya
Hakutin mo ang paksa
Sa utak isulat kung anong lumalabas
Huwag mong palipasin kasi minsan ay kumakalas
Huwag mo nang ipagpabukas manghinayang ka sa oras
Ikaw din ang susi pag sa katamaran ay naposas...

Nakalaan?
Mga ganyan
Lahat ng mga bagay sa iyong harapan
Ang hinaharap
Ang nakaraan
Ang nagaganap
Wala nang balikan
Sa sasakyan
Sa babaan
Lahat ng mga bagay sa iyong harapan
Ang hinahanap
Ang nakadaan
Ang mga balak
Lahat nakalaan ba?



Credits
Writer(s): Neill Phoebe Fabrigar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link