Sayong Pag-alis

Wag akong biglain
Kasama pa kita kagabi
Wag akong dayain
Kayakap pa kita kagabi

Wala akong ideya na ikaw ay aalis
Bawat oras naman ay laging nakangiti
Wala naman akong ginagawa na mali
Pero sana naman ay iyong inunti unti

Sayong pag alis puso'y naging sawi
Sayong pag alis puso'y naging baliw
Di ko na makita ang sariling masaya
Di ko na makita ang mundo'y gumagalaw

Wag akong biglain
Mga plano natin ay madami
Wag akong dayain
Pangako natin ay mababali

Wala akong ideya na ikaw ay aalis
Bawat oras naman ay laging nakangiti
Wala naman akong ginagawa na mali
Pero sana naman ay iyong inunti unti

Sayong pag alis pusoy naging sawi
Sayong pag alis pusoy naging baliw
Di ko na makita ang sariling masaya
Di ko na makita ang mundoy gumagalaw



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link