Bukang Liwayway

Malinaw sa iyong mukha
Ang pag aalala
Na baka masayang muli
Ang bawat panaginip na hinahangad

Oras ay lumipas, nakakapit pa rin
Ang halik na nilagay sa pisngi
Nahuhuli ang sariling pinapaulit-ulit
Alaalang parang pelikula

Ooh
Ibabahagi ba sa akin
Mga tagong sandali

Sa bukang liwayway, mahal ko
Sa pag-ibig mo'y nabilanggo at hindi na nakatakas
Hindi planado pero bakit ganito
Para bang kilala na kita bago tayo pinagtagpo

Ikaw
Ikaw mismo ang kahulugan ng kapayapaan
Magsisilbing takbuhan kapag ika'y nasasaktan
Mahigpit na yakap at hindi huhusgahan

Ibahagi na sa akin
Mga tagong sandali

Sa bukang liwayway, mahal ko
Sa pag-ibig mo'y nabilanggo at hindi na nakatakas
Hindi planado pero bakit ganito
Para bang kilala na kita bago tayo pinagtagpo

Mahal ko, manatili sa tabi ko

Sa bukang liwayway, mahal ko
Sa pag-ibig mo'y nabilanggo at hindi na nakatakas
Hindi planado pero bakit ganito
Para bang kilala na kita bago tayo pinagtagpo



Credits
Writer(s): Yanna Matabang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link