Okay Lang

Okay lang, kahit na ngayong gabi ka lang kasama
Kahit sa paggising ay wala ka sa kama
Tapos 'pag nagkita ay parang wala lang
Parang wala lang

Tapos bigla ka namang tatawag sa gabi, yeah
Ako naman 'tong nagmamadali, yeah
Sabi ng kaibigan ko, mali, yeah
'Di ko mapigilan, hindi

Alam mo lagi na ako'y nand'yan, ako'y nand'yan
Sinasamantala mo na naman, na naman
Sige, gamitin mo ako, oh-whoa
Sige, gamitin mo ako, oh-whoa-whoa-whoa, oh

Gusto mo lang ako kapag patay na'ng ilaw (gusto mo lang)
Bakit sa liwanag ba'y ika'y nasisilaw? (Oh-oh)
'Di ka man lang makasama, ha
Sa umaga, yeah, nag-aastang hindi ako kilala

Tapos bigla ka namang tatawag sa gabi, yeah
Ako naman 'tong nagmamadali, yeah (yeah, yeah, yeah)
Sabi ng kaibigan ko, mali, yeah
'Di ko mapigilan, hindi

Alam mo lagi na ako'y nand'yan, ako'y nand'yan
Sinasamantala mo na naman, na naman
Sige, gamitin mo ako, oh-whoa
Sige, gamitin mo ako, oh-whoa-whoa-whoa, oh

Whoa-whoa-whoa (sige, sige, sige, sige, sige)
Oh-whoa-whoa-whoa (sige, sige, sige, sige)
Whoa-whoa-whoa (sige, sige, sige, sige, sige)
Oh-whoa-whoa-whoa, oh (sige, sige, sige, sige)

Alam mo bang gusto ko nang magalit?
Kahit 'di ka naman sa 'kin
Mga bagay na hindi ko lang maamin
Sa iba kasi palaging magagalit ka
Hanggang kailan mo ako itatago sa dilim?
Dilim

Tapos bigla ka namang tatawag sa gabi, yeah (yeah, yeah, yeah)
Ako naman 'tong nagmamadali, yeah (nagmamadali)
Sabi ng kaibigan ko, mali, yeah (oh, mali)
'Di ko mapigilan, hindi

Alam mo lagi na ako'y nand'yan, ako'y nand'yan
Sinasamantala mo na naman, na naman
Sige, gamitin mo ako, oh-whoa
Sige, gamitin mo ako, oh-whoa

Alam mo lagi na ako'y nand'yan, ako'y nand'yan
Sinasamantala mo na naman, na naman
Sige, gamitin mo ako, oh-whoa
Sige, gamitin mo ako, oh-whoa-whoa-whoa, oh (oh-oh, oh-oh)



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link