GSM (feat. Sica)

Alak sagot sa sakit
Di na dama sa manhid
Papara lang para pumulot ng piyesa
'Lang teka pasensya na sa tumawid
Pag kami kumalabit
Dapa yan lahat sa sahig
Bwelo ko takbo mo na pagkarera paalam agad saking unang tapik
Ulap pinapanik
Utak minamanhid
Sampung serbesa bitin
Kahit balaan tuloy parin
Hukom yung salamin
Luhang punas sa damit
Daming hindi nabatid
Dami ng dahon na inabo
Dami ng kinapatid
Daming namekeng nabulag sa totoo, kita ng mata ko

Pangalawang Diyos na yung pera
Dasal salapi dumating
Dahil sa gusto bumenta
Kahit lumuhod sa asin
laban palagi sa giyera
Armas yung lapis at papel
Di na mabilang gabi na sandigan ko lang Ginebra San miguel

Hawak ko yung manibela apak sa preno pigil
Hanggang dumating yung takbo di babagal sa dulo palaging gigil
Hawak ko yung manibela apak sa preno pigil
Di na mabilang gabi na sandigan ko lang Ginebra San miguel

Hawak ko yung manibela
Otsenta ang aking takbo
Ang buhay nga daw ay karera
Hindi na puwedeng huminto
Nasanay ng nakakadena
Ngayon ay nagkukumahog
Piniling magutom kesa
Manatiling palaging busog
Ilang papel nadin aking napunit
Pudpod na yung lapis sa kakakaskas
Ilang bituin na ba aking nasilip at tanging hiling lang ay makapitas
Ang higpit na ng kapit sa patalim
Dalawang paa ko nakalibing
Ngayon di na kuntento sa katiting
Kung anong akin ay kakagatin
Di mo na pwedeng batain
Pambalian sungay na to
Di mo na pwedeng basagin
Matagal na kong durog
Matagal na kong mahangin
Hinubog ako ng bagyo
Wag mo na hintayin na topakin
Ibang bala tatama sayo
Tagal ko na nagpigil
Tagal ko na nagtiis
Matagal nakong inis
Matagal nakong gigil
Matagal na kong sabik
Walang nagtangkang tumapik
Ngayong hawak ko na ay wala ng makakaisa
Walang halong tsamba lahat yan ay buhat magisa
Ngayon lam mo na

Pangalawang Diyos na yung pera
Dasal salapi dumating
Dahil sa gusto bumenta
Kahit lumuhod sa asin
laban palagi sa giyera
Armas yung lapis at papel

Di na mabilang gabi na sandigan ko lang Ginebra San miguel

Hawak ko yung manibela apak sa preno pigil
Hanggang dumating yung takbo di babagal sa dulo palaging gigil
Hawak ko yung manibela apak sa preno pigil
Di na mabilang gabi na sandigan ko lang Ginebra San miguel

Silang dekada nobenta
Init daig pa gasera
Maynila man pinanganak pera etivac saking ugat inemprenta
Dating kaibigan nilamon inggit imbis yung hinain sa lamesa
Ginusto ko lang makakain lahat konektado 'ket walang kadena
Sagwan paabante kahit na yung alon nila pabalik
Dati sa tinig at sulat sukat yung lahat ngayon sino yung mas papansin
Dating hindi mabile, ngayon hindi mapigi
Lang bumalik kahit dami pang
Nakatabi
Di na hinanap sukli kasi bukas yan akin na
Laging mainit dala dalang makina
Gin para lang malasing.
Daming nagkalat na bote lunod na memorya nagbawal saking bumalik
Bawat hakbang paabante kahit mag-isa yung kontrata di man dumating
Saking digma yung sandatang dala ala alang pagkayod saksi yung silid
Puro kalaban
Bilang nalang natirang kakampi
Dumi ng palad hugasan
Kulang hingi ng patawad dasal ko sa bawat gabi
King talampakan saan saan dinala bawat bukas gigil
Usog lahat ng sagabal
Di na to mapapapayag tumakbong pigil



Credits
Writer(s): Kristian Emmanue; Dela
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link