Walang Pagsisisi - From "The Broken Marriage Vow"

Lahat walang sayang
Pinanghahawakan ang pag-ibig na totoo
Matagal na panahon din ang pinagsamahan natin
Bawat luha, ngiti at saya, 'andun ka

Kay rami na nating pinagdaanan
Ngunit nanatili akong naging tapat sa 'yo, hindi ako sumuko
Nanalig sa pagmamahalang totoo
At 'pinaglaban ko ang pag-ibig mo, pag-ibig ko

Walang pagsisisihan, lahat walang sayang
Mga sakit na naramdaman, naiintindihan
Dahil sa 'yo ko lang naramdaman ang maging buo sa 'yo
Walang pagsisisi, bakit nakilala kita?
Walang pagsisisi, bakit iniibig ka?
Walang pagsisisi, walang pagsisisi

Kahit na hindi pa maintindihan
Bakit ako nagkagan'to sa 'yo?
Basta't ang alam ko lang, dapat ipaglaban kita
Dahil tayo lamang ang tanging
Makakaintindi sa kung ano'ng mayro'n tayo

Walang pagsisisihan, lahat walang sayang
Mga sakit na naramdaman, naiintindihan
Dahil sa 'yo ko lang naramdaman ang maging buo sa 'yo
Walang pagsisisi, bakit nakilala kita?
Walang pagsisisi, bakit iniibig ka?
Walang pagsisisi, walang pagsisisi

Dumating man ang araw
Na kailangan nang magdesisyon
Ikaw pa rin ang pipiliin, ang pag-ibig mo
Tadhana ma'y paglayuin tayo

Walang pagsisisihan, lahat walang sayang
Mga sakit na naramdaman, naiintindihan
Dahil sa 'yo ko lang naramdaman ang maging buo sa 'yo
Walang pagsisisi, bakit nakilala kita?
Walang pagsisisi, bakit iniibig ka?
Walang pagsisisi, walang pagsisisi

Walang pagsisisi kahit nagpaalam na
Walang tigil ang luha sa alaala ng kahapon
At ngayo'y walang pagsisisi dahil inibig ka
Kailanma'y 'di mawawala
Walang pagsisisi sa alaala ng pag-ibig

Walang pagsisisi sa pag-ibig
Walang pagsisisi sa pag-ibig



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Roque Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link