Hanggang Huli

Hindi magsasawang sayo'y umintindi
Pipiliin ka pa rin hanggang huli
Pagka't ikaw lamang
Ang tanging kayamanan
Hanggang dulo, 'di ka iiwan

Nais kong ipa-alala sa iyo
Na hinding hindi ako sa'yo magbabago
Mag-away man tayo lunes hanggang linggo
Ikaw lang
Ikaw lang

Aking na-aalala
Dati kong sinasana
Makatagpo ako ng isang anghel at siya ay aking makasama
Agad na pinagpala
Pagka't nakilala ka
Unang kita ko pa lang sayo masasabi kong ako ay kuntento na
Di ko na nga kelangan na maghanap pa ng iba
Ikaw lang ang gusto kong makita
Na makakasama ko hanggang sa tayo'y tumanda
Kahit pa na
Araw minsa'y di maayos
Argumento't bangayan kala moy di na matatapos

Ayoko ngang
Gumising sa umaga
Na di ikaw ang kasama

Hindi magsasawang sayo'y umintindi
Pipiliin ka pa rin hanggang huli
Pagka't ikaw lamang
Ang tanging kayamanan
Hanggang dulo, 'di ka iiwan

Nais kong ipa-alala sa iyo
Na hinding hindi ako sa'yo magbabago
Mag-away man tayo lunes hanggang linggo
Ikaw lang
Ikaw lang

Sitwasyon man nati'y lumabo
Malinaw pa din kung ano ang gusto ng aking puso
Andito parin
'Di pa din ako lalayo
Ako ang makakasama mo umabot ng pangarap at sa paglibot sa buong mundo
Kaya iha sa akin kumapit ka
Kaya iha sa akin kumapit ka
Mahal kita sinta

Hindi magsasawang sayo'y umintindi
Pipiliin ka pa rin hanggang huli
Pagka't ikaw lamang
Ang tanging kayamanan
Hanggang dulo, 'di ka iiwan

Nais kong ipa-alala sa iyo
Na hinding hindi ako sa'yo magbabago
Mag-away man tayo lunes hanggang linggo
Ikaw lang
Ikaw lang



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link