Hara

Pakinggan ang aking puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang

Pakinggan ang aking puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang

Handa na ba na pakinggan ang naisulat kong harana?
Mga salitang nanggaling sa aking nadarama
Kahit simple lamang, gusto ko lamang malaman mo
Na tunay ang lahat ng 'to at 'di basta gawa lang

Pwede bang malaman kung nand'yan pa ba si tita at si tito?
Makalumang paraan kahit sabihing 'di na uso
'Di na bale kung gan'to, basta't tama ang motibo
Sasamahan pagtanda't mamahalin ka hanggang dulo

At kahit na mataas man ang hagdan
Ay aakyat pa rin ng ligaw kahit dahan-dahan
Hangad ko lamang, tunay na pagmamahalan
Handog ko na pag-ibig ay pangmatagalan, kaya

Pwede ba, pwede ba na makasama ka?
Walang iba, walang iba, ikaw lang talaga

Pakinggan ang aking puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang

Makabago na harana
Pakinggan mo ang humahanga
Tila hindi mo alintanang napapangiti ka na
Habang ako ay umaawit ng

Yeah, makabago na harana
'Wag ka lamang magsasawa na dumungaw sa bintana
Sa tuwing bumibisita, bitbit ang aking gitara
Aawitan ka na para bang kasali sa parokya

Nilalakasan ang aking loob sa t'wing pinapanood
Ang 'yong mga mata na sa 'kin ay nakasunod
Abutin man ng anong oras, taon man ay lumipas
Pangakong 'di kukupas ang pag-ibig, kaya

Pwede ba, pwede ba na makasama ka?
Walang iba, walang iba, ikaw lang talaga

Pakinggan ang aking puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang

Pakinggan ang aking puso
Alam mo ba na ang tibok nito'y para sa 'yo?
Haharanahin hanggang dulo
Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang



Credits
Writer(s): John Raven M Aviso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link